Chapter 29

239 29 8
                                    

"Yes, nandito na ako sa coffee shop." Pagkalapag ko ng bag ko sa tabi kong upuan ay naupo na ako agad. Kausap ko si Attorney at sinabi kong magkita kami ngayon kaso nasiraan daw siya ng sasakyan.

"I can wait naman. Malapit ka na lang 'di ba?"

"Yes, nakapag-book na rin ako ng Grab." Ibinaba niya ang tawag at ako'y tumingin na lang ng menu. Hindi pa naman ako oorder. Mamaya na lang pagdating ni Attorney.

Abala ako sa pagtingin ng menu nang biglang may umupo sa harap kong para kay Attorney.

"Uh, sorry..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumungad sa harap ko si Halsey. She's wearing a pink floral dress. Her hair were on curl and pinned on the right side. Her red lipstick compliments her well. Teka, ano bang ginagawa nito rito?

"Excuse me pero may hinihintay ako so please sa ibang table ka na lang." She let out a fake laugh then grabs the menu I was holding even though there's one in front of her.

"Gusto ko rito eh. May problema ka ba?" Sumandal na lang ako at humalukipkip. Her eyes were on the menu. Sa isip ko ay ilang beses ko na siyang sinabunutan. Lalo na at hindi ko man lang nailapat ang daliri ko sa kanya lalo na no'ng nakita ko silang naghahalikan ni Adrian. Bitchesa.

"Waiter!" Itinaas niya ang kamay niya at maya-maya lang ay may lumapit sa kanyang waiter. Panay ang tingin ko sa cellphone ko at baka malapit na si Attorney. Lumilinga rin ako sa paligid at naghahanap ng vacant table. May nakita akong isa sa may dulo. Lilipat na lang kami ro'n.

Ako na lang mag-aadjust. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Nang-agaw na nga ng boyfriend, pati ba naman table.

"If only looks could kill, dead on the spot na ako," she said while leaning and with hands crossed in front of her chest. Hindi ko namalayang nakatingin na pala ako sa kanya nang matagal.

"Sayang nga eh," I said while smirking. She then smirk back with my statement and then reform in her sit. Nakapatong na ngayon ang magkabila niyang siko sa lamesa.

"Is it fun recycling the garbage you threw out?"

"I would not threw it out if you just calm your pussy out." She scoffed with my remark. Hindi siya siguro na-inform na kaya kong makipagbardagulan sa kanya. Ang tagal ko pa namang kinimkim ang hinanakit ko sa kanya at pinipilit niya talaga akong ilabas 'yon ngayon.

"Hindi mo kasi binantayan."

"Kahit anong bantay pa ang gawin ko kung may malandi ay wala akong magagawa."

"Did you just call me 'malandi'?" tila umuusok ang ilong na tanong niya.

"Oo," deretsang sagot ko. Sasagot pa sana siya nang biglang dumating 'yong waiter kanina dala ang order niyang frappe at cheesecake.

"But that doesn't change the fact that you still accepted him after what he did. How stupid can you be?" I gritted my teeth as I tried to hold my emotions. Ayaw ko ng eskandalo.

"It's none of your business, Halsey." I get my things and quickly stood up. Lilipat na lang ako at baka may masabi pa akong hindi maganda at may magawa pa akong hindi kanais-nais.

"If you would choose Adrian, tell Vito I am willing to catch him up." Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig. I found myself walking towards in front of Halsey who is busy with her cheesecake in an intense situation like this.

Pagdating ko sa harap niya ay natameme ako. Doon ko na-realize na wala pala akong karapatan kay Vito. We are merely just...friends. Ni hindi nga niya ako nililigawan.

"Hindi siya pumapatol sa kagaya mo," I exclaimed seriously making Halsey have a good laugh.

"He can't resist my charms. Si Adrian nga hindi nakalusot," she said then elegantly sips on her frappe. Tumalikod na lang ako. Baka mamaya maibuhos ko pa sa mukha niya ang iniinom niya.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon