Alas kwatro pa lang ng umaga ay bumaba na ako dala ang maliit kong bag na pinaglagyan ko ng ilang mga gamit ko na dadalhin.
Habang kumakain kami kagabi ay nabanggit ni Nanay Loida sa akin na may magandang beach resort daw dito. Medyo may kalayuan pero maganda naman daw, kaya sinabi kong pupunta ako ngayon.
Ibinaba ko muna ang dala ko sa sala at pumunta ng kusina. Nagbukas lang ako ng cupnoodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig. Tinakluban at nagmuni-muni sandali.
Naalala ko bigla yung sinabi niya kagabi.
"Nindot magkita ka gwapa." pati boses niya ay parang tumatak sa utak ko. Isama ko na rin 'yong ngiti niya habang sinasabi niya 'yon sa'kin.
Nahihiya akong magtanong kina Dianne at Nanay Loida kung anong ibig sabihin noon. Kaya naman i-ginoogle ko na lang siya kagabi.
'Nice to meet you beautiful.'
Hindi ko alam kung bakit niya 'yon sinabi, pero siguro dahil maganda naman ako. He just complimented me. Nothing more, nothing less. Hindi ko na rin naman siya pinakaisip.
Nang maubos ko ang cupnoodles ay lumabas na ako. Isinarado kong maigi ang pinto dahil halos 4:30 palang ng umaga. Alas-syete pa naman daw ang pasok ni Dianne at mga ala-sais naman daw gumigising si Nanay Loida.
Bukas na 'yong bakery sa tapat pero walang tindera at iilan pa lang ang tinapay sa estante.
Medyo malayo raw 'yong beach resort dito kaya no choice ako kung 'di ang mag-tricycle papuntang bayan. Tapos sasakay naman daw ako ng taxi.
'Sana dinala ko na lang kotse ko'
I sighed with disappointment. Hindi ako sanay mag-commute ng ganoong kalayo. Sana hindi na lang maulit yung kahapong eksena sa tricycle.
Saglit lang akong pumila dahil iilan lang naman ang nag-aabang ngayon dahil masyado pang maaga. Doon na lang ako sumakay sa may likod ng driver dahil 'yon na lang din naman ang available.
Naging smooth naman ang byahe. Mga ten minutes siguro ay nakarating ako ng bayan. Medyo madilim pa rin dahil alas- singko pa lang naman.
Medyo nahirapan ako makasakay ng taxi dahil wala pa masyadong dumadaan. Kaya naman ng may makita akong taxi ay agad ko iyong pinara.
"Goodmorning, Ma'am," masiglang bati ni Manong driver sa akin pagkasakay ko. Ang aga-aga pa ngunit ang taas-taas na ng energy niya.
"Manong, dito ho ako," sabi ko sabay pakita ng cellphone ko kung saan naka-type ang lugar na pupuntahan ko. 'Yon ang sinabing lugar ni Nanay Loida kagabi. Nilagay ko lang sa notes ko para hindi ko makalimutan.
Nagsimula na ang byahe at nagsimula nang lumiwanag ang paligid. Ang saya siguro manuod ng sunset sa taas ng bundok. Maybe one of these days, i-try ko naman mag-hike.
"Ma'am, bubuksan ko po itong radyo ha? Para po may tugtog ng kaunti." Tumango ako at ngumiti bahagya sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang nagsisimulang maging abalang paligid. Unti-unti nang nagbubukas ang mga pamilihan at dumadagsa na rin ang mga tao.
Intro pa lang ng kanta sa radyo ay maganda na. Kaya habang nakatingin ako sa labas ay naka-focus naman ang tenga ko roon.
'You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Oh baby please don't get me wrong
'Cause I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning'
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...