Chapter 43

281 27 4
                                    

But forgiveness is not for everyone, not because I cannot forget but because they did something that doesn't deserve forgiveness.

"I'm sorry, Chelsea. Please...get me out of here. Hindi ko na kaya. Chelsea, I am begging."

Kaharap ko ngayon si Adrian. A glass wall separates us while Vito is waiting outside.

Nagpumilit pa siyang sumama pero ipinilit ko rin na ako na. Gusto kong masolo at makitang nahihirapan si Adrian dahil sa ginawa niya sa akin, sa amin.

He deserve this. After all of that. Baka nga ay kulang pa.

At kahit ata lumuha siya ng dugo sa harap ko ngayon ay hinding-hindi ko tatanggapin ang sorry niya. Saka hindi rin naman siya sa akin may atraso.

Kailangan niya ring pagbayaran ang ginawa niya kay Sean, sa kapatid niya.

"Kumusta?" walang emosyon kong tanong. I can see his painful eyes. It looks like he doesn't get any sleep at all. He looks very pathetic and miserable. Parang ako lang noong mga panahong nakakulong ako sa apat na sulok ng bahay niya sa Tagaytay.

"I can't eat nor sleep here. Hindi ko na kaya. Please, get me out of here." I smirked with his statement. He's even slamming the glass window between us as if he could break it. Baliw na siya.

"How does it feel to suffer? Ganiyan din ang nararamdaman ko no'ng ikulong mo ako." I clenched my fist as I tried to maintain my composure. Ayaw kong umiyak sa harap niya. I cried enough because of him. Hindi ko na 'yon balak dagdagan pa.

"I am very sorry. I was out of my mind. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Kaya please, I am begging you. Please," nagmamakaawa niyang saad habang pinagkikiskis ang dalawang palad at mangiyak-ngiyak na.

"You deserve that space inside the prison, Adrian. Hindi lang ako ang pinahirapan mo. Even your brother Sean? Paano mo 'yon nagawa sa kanya?" I gritted my teeth when I remember how Sean looks and how he bathed in his own blood the night he was shot. If that happened to be Vito baka nasa hospital rin siya ngayon at hindi pa gumigising. Baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya no'ng gabing 'yon.

"That was an accident. Kung hindi niya inaagaw sa 'kin ang baril ko ay hindi ko naman siya mababaril," depensa niya na parang pinapalabas na kasalanan pa ni Sean kaya siya nabaril.

"At kung hindi niya sinubukang agawin ang baril, sino ang babarilin mo, ha?"

"Si Vito!" mabilis niyang sagot dahilan para mapatayo ako habang ang dalawang palad ay nakatuon sa lamesa at tinitingnan siya nang matiim.

"Baliw ka na."

"Bakit? Simula lang naman nang dumating siya nagulo na ang lahat sa atin. Maging ang relasyon ko sa magulang mo naapektuhan dahil sa kanya. Inagaw ka niya sa akin, Chelsea. Hindi dapat si Kuya ang nabaril nang gabi na 'yon, 'yang walanghiyang Vito na 'yon dapat." He is back at it again. Kung kanina lang ay halos mangiyak-ngiyak na siya habang nagmamakaawa ay ngayon ay bumalik na naman ang matatalim niyang tingin.

Kaharap ko na ulit ang Adrian na kasama ko sa Tagaytay. Ang Adrian na nagpahirap sa akin.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Adrian. Simula no'ng niloko mo ako, naapektuhan na no'n ang relasyon mo kina Mom and Dad. Bakit? Makikilala ko ba si Vito kung hindi mo ko niloko? Pupunta ba ako ng Cebu para magmove-on kung hindi ka nagloko? H'wag mong isisi kay Vito ang bagay na ikaw naman ang gumawa." Halos mapaigtad naman ako sa pwesto nang biglang hampasin ni Adrian nang malakas ang lamesa at mabilis na tumayo habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa akin.

"Baka nakakalimutan mong kasal ka pa rin sa akin, Chelsea. Asawa pa rin kita. Isa ka pa ring Martinez." Tumingin ako sa daliri niya at nakitang suot niya pa rin ang singsing. Nakita ko namang dumako ang tingin niya sa may kamay ko.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon