"Are you sure, you don't want to work here?"
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Dianne. Nagtitipa siya sa laptop niya sa may table at naka-indian sit lang ako sa kama niya.
Kakauwi ko lang mula sa shop. Basta, after no'ng kiss namin ni Vito, parang ang awkward bigla. Hindi kami nag-usap hanggang sa maihatid niya ako rito sa amin. We are both shock for real.
Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinalikan. The worst part is I insisted the kiss for two times. Gosh. Chelsea! Hindi ka naman ganito kauhaw before!
"Hindi ko pwede iwan si Nanay sa Cebu like I did way back college. She's not getting any younger," she said casually. Though, she has a point. Ang layo pa naman ng Cebu, hindi ka pwede umuwi every weekend for a visit.
"Ayaw niya ba mag-stay dito sa Manila?"
"Ayaw niya. Mas gusto niya raw ang hangin doon sa amin. Saka kapag dito siya, baka maburyo 'yon at walang amiga na mapupuntahan." I let out a laugh. That greatly made sense. Wala nga namang makaka-bingo si Nanay Loida rito sa Manila.
"Saka, ayos naman ang work ko ro'n," dagdag niya pa.
"Eh si Sean?" tanong ko kaya lumingon siya sa akin.
"We're okay naman sa LDR set-up. For now."
"For now?" takang tanong ko. Hindi pa naman ata sila pero mukhang malapit na rin naman.
"Oo, malalaman pa kapag nagtagal," natatawa niyang saad at nagpatuloy na lang sa pagtitipa. Ako naman ay tumayo na para makatulog na.
"Magtatagal kayo," saad ko sabay tapik sa balikat niya.
Akala ko pagdating ko sa kwarto ko ay makakatulog na ako pero tila yata tinakasan ako ng antok.
Nakaharap na ako ngayon sa phone ko. Looking at the photos taken earlier during the opening and ribbon cutting posted by Sean and Dianne.
Vito really looks down on the photos. Nakangiti man ay halatang pilit and that was because of me.
Mabuti na lang at nakabawi ako sa kanya kanina.
Kaso mukhang ibang bawi ang naisip ko dahil biglang dumako ang kamay ko sa labi ko. I can still feel the softness of his lips in mine.
Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang nangyari kanina. It was very unexpected but I do not regret any of it.
I am in the midst of daydreaming when my phone suddenly beeps. As I checks it, a message from Vito suddenly made me turn around my bed.
Dumapa ako sa kama ko at saka ko in-open ang message niya.
juanvitoxx: psst.
juanvitoxx: do you want a pie like me?
I am smiling widely as I read his message. Ano na namang trip nito?
chelseaaa: yes?
juanvitoxx: a cutie pie XD
I let out a great and loud laugh. It may sounds corny but yeah, it's funny
juanvitoxx: fvck! Sabi ni Sean nakakakilig daw 'yan.
juanvitoxx: it's sounds so corny.
juanvitoxx: I would never trust that engineer again.
Bumalik na ako sa pagkakahiga at nakangiti pa ring nag-type ng reply kay Vito.
chelseaaa: hi cutie pie ♡
juanvitoxx: hi love ^_^
Bigla kong naibaba ang phone ko sa may dibdib ko at mahinang nagpapadyak sa kilig. Gosh, para akong highschool student na kinikilig dahil napansin ng long time crush.
![](https://img.wattpad.com/cover/226790576-288-k258209.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Dragoste[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...