"Take care, Mom, Dad."
It's five in the morning. Babago pa lang sumisikat ang araw ay inihatid na namin sina Mom and Dad sa airport. They have to flew this early in the morning dahil may biglaang business trip sila sa Los Angeles.
"I'm sorry, Chels. Pasabi kay Loida na babalik kami, okay?" Mom said. Maiintindihan naman 'yon ni Nanay Loida for sure.
"Hihintayin ka namin sa Manila, anak. Vito, ikaw na muna bahala sa kanya, ha?" Tinapik ni Dad ang balikat ni Vito.
"Ako pong bahala sa kanya."
"Sabihan mo kami if gusto mo nang umuwi," Mom cupped my face and looks directly into my eyes. She's getting emotional again.
"Don't worry, Mom. I'll be back soon."
After we bid our goodbyes ay pumasok na sila sa departure area.
Dala na namin ang mga gamit namin at nag-check out na rin naman kami sa hotel. We decided to went straight home, kina Nanay Loida.
Alas-sais na ng umaga nang maka-uwi kami. Papasikat na ang araw pero sarado pa ang bahay. Mukhang tulog pa ang mag-ina.
"Patapos na ba renovation ng bakery mo?" I asked Vito. Sabi niya ay sa amin na raw siya mag-aalmusal. Mukhang na-miss ang cooking buddy niya na si Nanay Loida.
"Hindi pa ata, pero mukhang malapit na. Pino-polish na lang," he replied. Pagkapasok namin sa bahay ay inilagay ko muna ang mga dala kong gamit sa salas. Si Vito naman ay dumeretso sa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin para sa almusal.
Dahil nga sarado ang bakery nila ay ilang araw na rin kaming hindi nakakapag-tinapay. Medyo nakaka-miss din pala.
"Anong lulutuin mo?"
"Fried rice tapos egg then hotdogs." I just nod. Since nagsisimula na siyang maggayat ng garlic, kinuha ko na lang ang eggs at hotdogs sa ref.
"Walang tinapay," mahinang bulong ko kaso mukhang narinig niya dahil humarap siya sa 'kin.
"Gusto mo?"
"Kung meron eh, bakit hindi," saad ko. Vito just nod and continued chopping garlics. Siguro ay bibili siya mamaya, may mga bakery naman na malapit, kaso for sure iba ang lasa no'n.
Nang matapos kaming magluto ay saktong baba naman nina Nanay Loida at Dianne.
"Nandito na pala kayo, kumusta? Nasaan ang mga magulang mo?" bungad na tanong ni Nanay Loida sa 'kin.
"Bumalik na sila, Nay, kaninang umaga. Sorry raw po at hindi na sila nakadaan kasi nagmamadali po sila eh." pagpapaliwanag ko. Lumapit naman agad si Dianne sa akin at mapanuksong tumingin.
"May pasok ka?" Inunahan ko na siyang magsalita dahil malamang ay tungkol na naman 'yan kay Vito.
"Oo eh, nga pala, Vito, pumunta rito kahapon 'yong Engineer mo para diyan sa ginagawa sa tapat," Humarap si Vito kay Dianne sabay sa 'kin. Kasi malamang si Sean ang tinutukoy ni Dianne.
"Talaga? Anong sinabi?"
"Wala naman, tinanong lang kung nasaan ka, tapos umalis din agad, sabi ko nga ay bumalik na lang siya sa isang araw."
Hindi na ako nakaramdam ng kaba. Kung si Adrian nga ay nagawa kong harapin, malamang si Sean ay mahaharap ko.
Nang matapos kaming mag-almusal ay nagpahinga na muna ako sa kwarto ko. Ang aga ko rin kasi nagising kanina at biglaan rin ang pag-uwi pati nina Mom.
Afterwards, I heard my phone ringing. Pagtingin ko sa oras ay alas-diyes na ng umaga. Naka-idlip ako kasi kanina ay alas-syete pa lang naman.
"Yes, Mom?" bungad kong salita pagkasagot ko ng tawag. Mukhang nasa Manila na silang dalawa. Tapos mamayang gabi ang lipad nila pa L.A.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...