Chapter 31

255 28 16
                                    

"Congratulations!" one of our Marketing Staff shouts as he opens a glass of champagne. It then followed by claps of the team and the blending chitchats of everyone.

We are having a small party here at Elena. The sales of our shoes surprisingly rose up this month and it even exceeds our record high sales for a month.

Another good thing to celebrate is that clear na ang drug issue ng Elena since nahatulan na 'yong worker. Elena is back at it again to where it was before issues came but this time it was way more thriving.

Kasama na rin dito ang celebration para sa discharge ni Dad sa hospital. He was the father of Elena. The father of these workers who is behind the success and beauty of our shoes. Kaya naman walang pagsidlan ang tuwa nila nang malaman na okay na si Dad.

"Salamat sa inyo. Salamat sa pananatili kahit na nagkaroon ng maraming problema. Now, cheers for more shoes to design and sell." Itinaas namin ang mga baso naming hawak at nakipag-cheers sa isa't isa. Since si Lea ang katabi ko ay sa kanya ako nakipag-cheers.

Bukas na ang opening ng coffee shop ni Vito and as usual excited sina Mom and Dad na pumunta.

After our mini celebration ay kanya-kanya na kaming bumalik sa trabaho. Medyo abala na kami this month dahil magre-release na nga kami ng bagong designs next month.

Pinakasobrang abala ang sa design team. They are on pressure right now dahil 'yon ang bago naming ire-release after the issue kaya kailangan maganda. Kailangan pulido at malinis.

Pagkapasok sa opisina ko, 'yong original ah. Binakante ko 'yong kay Dad kasi sabi niya papasok na raw siya next week. Nakakautay-utay na siya maglakad pero bukas sa opening is we insist na magwi-wheelchair siya. Mabuti nga at pumayag eh.

I just scanned the files na nasa table ko. Mostly mga marketing plans lang naman. We have to choose the best way to promote our shoes this time. 'Yong tipong makakalimutan nila 'yong mga issue.

After signing some files and scanning the proposed designs ay iniligpit ko na ang mga gamit ko. It was pass eight na. Mata-traffic na naman ako nito panigurado.

"Bye, Ma'am," paalam sa akin ng mga natitirang empleyado roon. Malapit na rin naman sila umuwi. Mga nine siguro.

"Bye. Ingat kayo pauwi." It was a busy day. Nakailang meetings din kami maghapon. Tapos sumama pa ako sa deisgn team kanina sa brainstorming nila. I used all the time of the day to finish everything kasi nga bukas ay nasa opening kami ng shop ni Vito.

Ramdam kong pagod na ako. I am sleepy yet I need to drive home.

Tulad nga ng inaasahan ko ay na-stuck ako sa traffic. Badtrip. Idagdag pang biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para lalong bumigat ang trapiko.

I check my phone and mag-aalasnuwebe na. Tiningnan ko na lang if may message and a message from Dianne suddenly pops up.

From: Dianne
Nasaan ka?

Kunot noo akong tumingin sa phone ko. Umusad na rin naman ang traffic kaya hindi na muna ako nag-reply.

Nang makarating sa bahay ay patakbo akong pumasok ng bahay dahil wala akong payong. Kaya pinapagpag ko ang damit at bag ko habang naglalakad papasok.

"Ayan na ang Donya."

"Anong Donya..." natigilan ako sa pagsasalita at mabilis na lumingon sa nagsalita. Halos malaglag naman ang panga ko sa nakita.

"Dianne!" Patakbo akong lumapit sa kanya. Nasa may salas sila ngayon nina Mom, Dad at Sean.

"Gaga, anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong at umupo kami sa may sofa. Lumapit naman si Mom sa akin at may inabot na towel kaya pinunasan ko ang sarili ko kahit hindi naman ako gano'n basa.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon