When realizations hit my mind, mabilis kong naitulak si Adrian. Agad akong bumaba ng sasakyan niya at mabilis akong pumasok ng hospital.
"Gosh, nababaliw ka na, Chelsea!" Napasapo ako sa noo ko at napasandal pagkapasok ko ng elevator. Things like this should not happen. Like, kahit 'yong makita kaming magkasama ay hindi na dapat nangyayari. What the hell am I thinking?
Nang makarating sa tapat ng room ni Dad ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa maliit kong compact mirror. Kumuha rin ako ng tissue at pinunasan ang labi ko. Gosh, Chelsea. Go back to your senses. Hindi ka marupok. Hindi ka nag-stay ng dalawang buwan sa Cebu para lang sa ganito.
Nang masigurado kong maayos na ang itsura ko ay mabilis akong pumasok. Nadatnan ko si Mom na nagtitipa sa laptop niya at mukhang kakatapos lang kumain.
"Chelsea, you had your lunch?" She stands up and give me a hug. Tumango lang ako at lumapit kay Dad to greet him. He's still asleep. When will you wake up, Dad? I miss you already.
"Kakagaling lang dito ni Tita mo, sayang hindi kayo nagpang-abot."
"Bumisita siya ulit? Kakabisita lang niya no'ng isang araw." I clean her messed beside her. Hindi naman tumatawag si Lea so probably walang meeting.
"They're preparing para sa wedding nearby. Kaya dumadaan sila." Oo nga pala. Sana gising na si Dad sa wedding ni Gina. Pero for sure naman hihintayin nilang magising si Dad bago sila mag-set ng date for the wedding.
"Kumusta sa Elena?"
"I have a good news for you, Mom!" Masaya akong umupo sa tabi niya at humawak sa braso niya.
"Nalipat na sa bansa 'yong kaso about sa drugs sa Elena." Shock was evident on Mom's face with what I said. Natahimik siya sandali maybe processing what I have said.
"Really? I mean paanong nangyari?"
"Hindi ko na natanong si Attorney about the details pero itatanong ko 'yan once na magkita na ulit kami." Tumayo si Mom at pumunta sa tabi ni Dad. Tumabi naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay ni Daddy.
"Narinig mo 'yon, Hon? The case will be filed here in the Philippines. Madali na nating maki-clear ang name ng Elena about the issue." Mom said while caressing Dad's hair.
"Wake up, Dad. Magce-celebrate tayo," saad ko naman habang hawak-hawak ko ang kamay niya.
"Don't worry about it, Mom. Kami ng bahala ni Attorney Mariano ro'n."
"Thank you, anak." Tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi ko. She's happy. That's very evident on her face and that's what matters the most, my parents' happiness.
Days went fast. Dad is still unconscious but Doc Walter said he have improve a lot so probably he could wake up soon. The company is still thriving. May sales pa rin naman kahit papaano and unti-unti na ring bumabalik ang ilan sa mga shareholders from New York dahil nag-ease na 'yong issue.
"Nahuli na raw entrapment operations 'yong worker na nagpuslit ng drugs." Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig na sinabi ni Lea sa akin. Kasalukuyan akong nasa office at nag-aayos ng marketing plan for next month.
"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Tawagan mo si Attorney Mariano and inform him about that para maasikaso niya agad ang kaso." I throw a glimpse to Lea and saw how she blushes when I mentioned Attorney's name. Gagang 'to. Namingwit pa ng abogado!
"Okay. I'll tell him about that right away," she uttered while smiling widely. Hinayaan ko na lang. My friends deserve a happy lovelife too. Naalala ko tuloy sina Dianne at Sean.
Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko. Bumungad sa akin ang pangalan ni Attorney Mariano kaya mabilis ko 'yong sinagot.
"Yes, Attorney?"
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...