I woke up late. Nahihiyang bumaba ako pagkatapos kong maligo dahil halos magtatanghali na. Hindi man lang ako nakatulong sa kanila maglinis.
Si Nanay Loida na lang ang nadatnan kong tao sa bahay. Naglilinis siya sa sala.
"Good morning, 'Nay Loida," bati ko sa kanya at itinigil naman niya ang pagwawalis at sumama sa akin sa kusina.
"Maagang umalis si Dianne kaninang umaga. Maaga kasi lagi ang pasok niya eh. Nagkakape ka ba sa umaga, hija?" tanong niya sa akin habang inilalabas ang kape at ang termos ng mainit na tubig.
"Ay, 'Nay ako na pong bahala. Nag-almusal na po ba kayo?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape ko. Maggo-grocery na lang ako mamaya para sa ibang mga kakailanganin namin dito.
"Nag-almusal na kami kanina. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi naman ba sumakit ang likod mo?" tanong nito habang nagsasalin ng tubig sa kanyang baso at ininom iyon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin.
"Ayos naman ho. Hindi naman po sumakit ang likod ko," ani ko at naglakad kami papuntang hapag. Pagkaupo ay sumimsim ako sa mainit kong kape.
"Ay siya maiwan na muna kita at hindi pa ako tapos maglinis." Tinapik niya pa akong bahagya sa balikat nang dumaan siya sa likod ko.
May tinapay pa rin sa lamesa. Pero hindi na siya 'yong kagabi. Ibang klase ng tinapay naman.
Hindi ba sila nauumay sa tinapay d'yan sa tapat?
Kumuha ako ng isang piraso at tinikman iyon. Infairness, masarap rin. Spanish bread ata ito kung 'di ako nagkakamali.
I texted mom and greeted her a Good Morning. Tinext ko na rin si Dad at baka magtampo. For sure nasa company na sila ngayon pareho. We have a shoe company. A well-known shoe company here in PH and even outside the country. It is Elena. I am the marketing head, pero dahil I am on leave, someone's gonna handle my position for the meantime.
Nang matapos kumain ay hinugasan ko na rin ang basong ginamit ko. Wala na akong nakitang linisin pa kaya umakyat ako para kuhanin ang wallet ko.
"Nanay. maggo-grocery lang po ako. Saan po rito may malapit na grocery store?" Nakaupo na lang si Nanay Loida at wala na ring ginagawa. Actually, bata pa si Nanay Loida at matatanggap pa siya kung sakaling mag-apply siya ng trabaho. Pero wala naman na ako sa pwesto para magtanong pa tungkol doon.
"Meron diyan sa malapit isang sakay lang ng tricycle. Gusto sana kitang samahan pero aalis din ako mayamaya at may pupuntahan ako," saad nito. Tinanong ko na lang sa kanya kung saan ang sakayan ng tricycle at ang mismong lugar ng grocery store.
Naglakad pa muna ako papuntang sakayan ng tricycle. Katulad kahapon ay madami pa ring customer ang bakery sa harap namin. Doon ko tiningnan ang pangalan ng bakery. Bakes and Goods / Romualdez Bakery. Siguro nag-babake rin sila ng cakes, kasi bakes and goods eh.
Pagdating ko sa terminal ng mga tricycle ay kakaunti ang nakapila. Agad kong inilagay ang dala kong maliit na slingbag sa harapan ko. Naka-shorts lang ako na maong at isang simpleng white shirt. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng kung anong make up kung 'di pulbo at light liptint lang. Inilugay ko lang din ang shoulder length kong buhok. May scrunchie naman akong nakalagay sa pulsuhan ko incase na uminit ang panahon.
Pumasok na ako sa loob ng tricycle. Laking gulat ko nang biglang may pumasok na lalaki at umupo sa tabi ko. Nasa mid 30s and 40s na siguro siya. Isiniksik pa ako nito sa gilid. Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa kanya.
Isinisiksik ako nito sa gilid kahit maluwag pa naman sa tabi niya. Isinawalang bahala ko iyon at mahigpit na napakapit sa sling bag ko.
Ramdam kong bahagya niyang kinikiskis ang braso niya sa may gilid ng dibdib ko. Tinabig ko iyon gamit ang braso ko rin ngunit balewala lang iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...