Mabilis akong nag-park at patakbong pumasok ng Elena.
"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ni Kuya Guard. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya at deretsong naglakad papuntang elevator.
"May meeting ka ba ngayon? Bakit nagmamadali ka?" Halos bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang boses ni Adrian sa tabi ko. Naghihintay rin sa pagbukas ng elevator.
"Wala ka bang trabaho?" Iritang tanong ko. Para kasing wala na siyang ganap sa buhay. Palagi na lang niya akong ginugulo. Pati tuloy damdamin ko naguguluhan na rin. Pero si Vito, sh*t.
Kaya naman nang magbukas ang elevator ay mabilis akong pumasok at pinindot ang 10th floor. Kaso sa kasamaang palad sumunod din si Adrian sa akin at saktong walang ibang empleyadong aakyat. Naiwan tuloy kaming dalawa roon sa loob.
Isiniksik ko na lang ang sarili ko sa gilid para hindi kami magkatabi ngunit lumalapit talaga siya sa akin. Nakakaasar. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Bakit ba 'to ganito?
"Maaga kong tinapos ang trabaho sa site para mapuntahan ka." If this would be a normal day tapos kami pa, I would be smiling widely with his statement. Kaso nga 'di ba? Iba na ngayon. Things have changed.
"Nagsasayang ka lang ng oras," seryosong sambit ko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Though, nakikita ko naman siya sa reflection sa tapat ko.
Bakit ba ang tagal ng elevator na 'to? At bakit walang ibang pumapasok?
"You are never a waste of time, Chelsea." His words hit me unprepared. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Napadasal na lang ako na sana magbukas na ang elevator.
"Sabi ko naman sa 'yo, kaya kitang hintayin. Kahit taon pa 'yan." I chuckled with his statement. That's too good to be true. Walang gano'n. Nagawa niya nga akong lokohin. Ulol ba siya?
I was about to say something when my phone rang, Lea was calling. Sakto at bumukas na rin 'yong elevator.
"Girl, nasaan ka na? Nandito kirida ng ex mo. Nilalandi na 'yong bisita mo."
"Huh?" Sinong kirida? Si Halsey? Anong gagawin no'n dito?
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga empleyado tapos sunod silang titingin sa may gawing opisina ko. Napabuntong hininga na lang ako. Dito pa talaga sila sa opisina ko nanggulo?
"Nandito na ako," saad ko at binaba ang tawag. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Vito na nakahalukipkip habang si Halsey ay nasa tapat niya at malagkit siyang tinitingnan.
Lumingon sila sa amin. Si Lea ay nasa gilid lang at nakikiramdam. Napako ang tingin ko kay Vito. He was wearing a button up blue sleeves folded up until his elbows. Kapansin-pansin ding bagong tabas ang buhok niya. Faded cut ata ang tawag do'n. Hindi ako sure. Dumako ang tingin ko sa kaliwang kamay niya, nandoon pa rin ang gummy bear necklace niya.
Vito looked at me seriously. Sunod ay tumingin siya sa may likuran ko, which is si Adrian. I gulped when I felt an intense atmosphere between us four.
Tumikhim ako bago naglakad paupo sa office table ko. Nasa may visitor's area kasi 'yong dalawa. Si Adrian ay nakatingin lang kay Vito, kulang na lang ay sugurin niya. Kita kong napadako ang tingin niya sa kamay ni Vito, sunod no'n ay ang paglingon niya sa akin, sa kwintas ko. Mabilis ko tuloy naitago 'yon, ipinasok ko sa loob ng damit ko.
"So, Ms. Natividad. Hindi ko alam kung bakit ka nandito. May kailangan ka ba?" seryosong tanong ko kay Halsey. I saw her taken a back with my statement. Hindi niya siguro inaasahang ia-approach ko siya in a professional way.
"Wala naman, Ms. Gonzales. I just want to take a visit. Nabalitaan ko kasing papalugi na raw 'tong kompanya mo tapos still in coma pa rin ang Daddy mo." Naiyukom ko ang kamao ko but I still manage to stifle a bitter smile. Kapal ng mukha nito, ah.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Storie d'amore[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...