Chapter 5

399 45 22
                                    

Three days had passed after I went to Sahaya Resort. Umuwi rin ako after the sunset at after lunch naman umuwi si Vito na kung ano-ano ang pinagsasasabi. May pagkamadaldal siya at makulit.

Tatlong araw na akong nasa bahay lang nina Nanay Loida kasi wala pa akong alam na p'wedeng puntahang sunod. Sana ay yayain ulit ako ni Vito papunta sa Barrio Matalinhug. I just want to spend more days with the children at para makapagdala na rin ako ng mga items sa kanila. Sana lang ay imbitahan niya ulit ako. Kaso mukhang busy s'ya.

Three days ko na rin kasi siyang 'di nakikita sa bakery nila. Halos araw-araw kasi nagpapabili si Nanay Loida ng tinapay sa kanila at iba ata ang gumagawa ng tinapay kasi iba ang lasa this past few days.

Ako lang ata ang nakapansin dahil 'di naman sila nagrereklamo. Basta sa tingin ko'y iba talaga ang lasa pag gawa mismo ni Vito.

"Aalis ka ba ngayon?" I asked Dianne habang kumakain kami ng lunch. Nakabihis kasi siya at mukhang aalis. Though mukhang obvious naman na aalis nga siya, pero tatanungin ko pa rin.

Si Nanay Loida naman ay tahimik na kumakain sa tabi niya at nakabihis rin. Pupunta na naman ata siya sa mga amiga niya.

"May imi-meet akong client sa may coffee shop sa mall. Gusto mo bang sumama?" I tried to hide my excitement when she asked me. Gusto kong sumama actually kasi maiiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay.

"Sure, sigee, anong oras mo ba siya imi-meet?" tanong ko dahil hindi pa ako nakakaligo. Dianne looked at her wristwatch and looked at me.

"1PM pa naman." I nodded and continued my food. Halos 11:45 pa lang naman, may time pa ako para makapag-intindi.

"Aalis ka ba, 'Nay?" tanong niya kay Nanay Loida na kasalukuyang kumakain rin kasabay namin.

"Oo, 'neng, d'yan lang ako sa kabilang kanto makikipag-bingo." Tinanguan lang siya ni Dianne. Halos araw-araw ata siyang pumupunta sa mga amiga niya para magsugal or mag-enjoy.

Mabilis ko na lang tinapos ang pagkain ko dahil medyo may katagalan din ako mag-ayos. Baka mamaya hindi pa niya mameet yung client niya on time dahil ang bagal ko mag-asikaso.

"Maliligo lang ako nang mabilis. Wait me here," sabi ko sabay mabilis na umakyat sa kwarto ko para maligo.

Simpleng yellow top at white high waist shorts lang ang isinuot ko partnered with my white sneakers. Hindi naman ako sasama sa kanila sa meeting nila, magpapalamig lang ako. Nakaka-miss malamigan ng aircon sa totoo lang tho medyo malamig naman na dito kapag gabi.

Sabi ni Dianne ay fifteen minutes lang naman daw ang byahe from here to the Mall. Kaya 12:30 ay bumaba ako ng hagdan dala ang sling bag ko. Wala naman akong balak bilhin pero baka may magustuhan din ako.

"Let's go, nakaalis na si Nanay at excited mag-bingo eh," natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako bahagya. She is wearing a black slacks, black heeled shoes, and red tube inside her black sleeves.

Mabuti na lang at may kotseng pinahiram ang company niya for the sake of the meeting kaya hindi kami mahihirapan mag-commute. Habang nila-lock niya ang pinto ng bahay ay napatingin pa ako saglit sa Romualdez Bakery na madami pa ring bumibili.

"I heard he's in Manila para sa new branch ng bakery niya ro'n." Mabilis akong tumingin kay Dianne na kasalukuyang nanunuksong nakatingin sa akin kaya pinangunutan ko siya ng noo.

"Vito," maikling sabi niya at sumakay na sa driver's seat. Doon ko na-realize ang sinasabi niya kaya mabilis din akong sumakay sa may shotgun seat.

"Hindi ko naman siya hinahanap," sabi ko pagkasakay na pagkasakay ko sabay lagay ng seatbelt sa akin.

I just heard her shrugged at ini-start ang kotse.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon