From: Juan
Let's talk.Kanina ko pa tinitingnan ang text ni Vito. Kanina pa rin ako bumubuntong-hininga dahil kinakabahan ako. Bakit niya ako gustong kausapin?
I got another text from him.
From: Juan
??I sighed again and looked up into the ceiling. Inilagay ko na lang muna sa tiyan ko ang phone ko para makapagmuni-muni.
Tiningnan ko ang kisameng palagi kong tinitingnan kapag nandito ako sa kwarto. Ang kisameng kasama ko kapag may mga random thoughts akong naiisip kapag gabi. Kisameng kasama ko kapag minumulto ako ng nakaraan at ng mga alaala.
Hindi man niya masasabi ang kanyang opinyon o nararamdaman, alam kong nakikinig siya and that what's more important. Hindi natin kailangan ng salita, kailangan natin ng tagapakinig. We all deserve to have that one 'kisame' in our life.
Nagulat pa akong bahagya nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon at tumatawag si Vito.
I bit my lip as I stare at his name. Sasagutin ko ba 'to? Kasi after no'ng narinig ko kanina, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko ro'n lalo na at narinig ko lang naman. Hindi pa naman niya mismo sinasabi sa akin.
Eh paano kung sasabihin na niya? Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kapag nagkataon. Alam ko namang alam niyang hindi pa ako handa pero alam ko ring wala rin akong maibibigay na sagot sa kanya.
Ayaw ko siyang saktan. Si Vito siya. Hindi niya deserve ang masaktan. He is precious and I know I am not the one who will handle his preciousness. He deserves better more than me.
Nang tingnan ko ulit ang phone ko ay naputol na ang tawag. Bumuntong-hininga ako bago ko ibinalik ang phone ko sa may tiyan ko at tumitig ulit sa kisame..
Maya-maya ay nag-vibrate ulit ang phone ko kaya mabilis ko 'yong kinuha at sinagot. Bahala na si Batman.
"F*ck. Sinagot mo na tawag ko." Napabalikwas ako ng bangon nang ibang boses ang marinig ko. Tiningnan ko ang screen ng phone ko and to my dismay it was from Adrian.
Shuta.
"Wait. H'wag mong ibaba. You don't have to talk. Just listen to me." I bit my lip as his voice brought back lots of memories. The happiest and the painful ones.
"I know it would be unnecessary to tell you these over the phone pero I have no choice. Gusto man kitang puntahan at kausapin ay hindi ko naman alam kung saan." Pinakikinggan ko lang siya habang nagsasalita siya. I can even hear his heavy breath and I can really tell that he's nervous. I know him very well.
"I'm sorry. Things were messed up and I know I made such a stupid action. I will wait for you, Chelsea." Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama.
"I'll wait you in the park where it all started..."
"And where it all ended," putol ko sa sinasabi niya. It was a whispher yet I know he would hear that.
"I miss your voice." I pursed my lips to control my emotions. I felt a familiar pain from two months ago. I felt my heart broken again. After all this time, the pain was still there. They were just buried but they were never erased and it's f*cking hurting me in all ways it can be.
"Let's start again, Chelsea." Bakit ang dali lang sa kanya sabihin ang lahat ng 'to? Bakit?
"Kahit anong mangyari, hihintayin kita roon."
I ended the call. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya. They are making me confused and they are hurting me. Ayaw kong malaman niyang affected pa rin ako sa kanya. Ayaw kong malaman niya na heto ako, umiiyak pa rin after all the things I made to escape.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romantizm[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...