"Where are you? Tapos na ribbon cutting."
Kausap ko ngayon si Dianne habang nagda-drive ako papunta sa condo ni Adrian. It's past nine na. Kaya hindi na talaga ako aabot. Ang dadatnan ko na lang marahil ay ang pagdagsa ng mga taong gustong makita ang bagong bukas na shop at mga taong gustong makakuha ng limited discount card.
"Sorry, susunod ako. Pasabi kay Vito, sorry." I meant it. Hindi nagreply si Vito kanina sa message ko and he even seen my message sa IG niya.
He was mad.
Or jealous.
I don't know.
"May nangyari ba? He looks sad and no energy to even greet new customers. Kami na lang tuloy ni Sean ang nag-aassist sa kanila," she said worriedly. I heaved a deep sigh as I park my car.
"Kausapin ko na lang siya mamaya," I said then quickly ends up the call. Nang maalis ko ang seatbelt ko ay humarap ako kay Adrian na kasalukuyang tulog pa rin.
"Adrian." Tinapik-tapik ko ang mukha niya at dama ko pa rin ang init niya. He just groaned again and went back to sleep.
Kaya naman tinapik ko ulit ang mukha niya. "Adrian, nandito na tayo sa condo mo,"
He scrunched his nose as he slowly opens his eyes.
"Am I dreaming? Or am I in heaven?" he said in a husky voice.
Mabilis naman akong bumaba ng sasakyan dala ang bag ko at binuksan ang pinto sa may passenger's seat. For sure naman, he can walk. Hindi naman sa pinakatuktok ang room niya.
"Tara na, ihahatid kita sa room mo." Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig at inakay siya palabas ng sasakyan. Naiwan niya pa 'yong tsinelas niya sa loob kaya naman kinuha ko 'yon at isinuot sa kanya.
Mabuti na lang at nakakalakad nga siya nang ayos. Kailangan ko lang siyang alalayan dahil pasuray-suray bahagya siguro dahil ay nahihilo.
Nang makarating at makapasok sa elevator ay kaming dalawa lang ang sakay. I push the floor number as I still holds his cold hands to refrain him from falling.
Panay ang tingin ko sa watch ko. Siguro naman ay mga alas-diyes ay nasa Vintage na ako. Hindi naman ako magtatagal. Ihahatid ko lang si Adrian.
"Chelsea," he said with his eyes closed. Pansin ko ring hinihingal na siya. Bakit ba naman kasi siya umalis pa kung may lagnat na siya? He should have called his Mom instead of going to Elena to see me.
"Please come back to me." Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"I'm sorry for everything. I miss you so much." I gulped when I heard his little sobs. He's now gripping my hand as he cries beside me.
Hindi ko siya matingnan. I just can't. I am afraid that looking at him would make things worst for me, for us and for Vito.
I just can't let my emotions invade my thoughts. Kaya naman nang magbukas ang elevator ay mabilis ko siyang inakay palabas.
"You should rest, Adrian," I stated as we walks towards his unit.
"Anong pin?" tanong ko dahil may pin lock itong unit niya. He just groaned again without saying anything. Bumuntonghininga ako saka itinype ang birthday niya.
0311
Wrong. Shocks. Ano ba naman 'to? Manghuhula pa ba ako?
"Hey? I said what's the pin?" irita kong tanong but he just shrugged. Gosh. Kainis.
I tried to enter his birthyear pero mali pa rin.
Hanggang sa may maalala akong number.
"No way!" mahina kong sabi sa sarili ko nang magbukas 'yong unit niya ng ilagay ko ang 1123.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...