"Daddy!" masayang tawag ko habang papalapit sa kanya. Hindi ko pa kasi sila napuntahan simula ng dumating ako kahapon, dumiretso lang ako sa condo ko. I want to surprise them that's why I didn't tell them about my flight. Two years ko din silang hindi nakita kaya sobrang miss na miss ko na sila.
Nagulat naman ito sa pagtawag ko. Nagbabasa sya ng dyaryo habang umiinom ng kape pero agad naman iyong nagbago ng makita ako. Ibinaba nito sa lamesa ang kape at dyaryo at saka tumayo para salubungin ako ng yakap.
"Princess." sabi nito habang yakap yakap ako ng mahigpit.
"Marco sino y— Ellise?" gulat ding tanong ni Mommy. Naka apron pa ito, halatang katatapos pa lang magluto ng almusal.
"Surprise." nakangiting sabi ko. Agad naman itong lumapit sa akin, niyakap at pinaghahalikan ako sa mukha—parang pang lolang halik.
Ngayon ko lang narealize kung gaano ko sila ka miss. It's good to be back lalo na kapag ganitong magulang ang babalikan mo. I can feel their love and care by their simple hugs and kisses.
"Oh God baby, ang payat mo." sabi ni mommy habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ko.
"Pinahirapan ka ba nilang magtrabaho doon?" Nag aalalang tanong nito na para bang pag sinabi kong 'oo' ay iiyak na ito. Ganito kasi talaga si Mommy.
"Mommy naman, ang sexy ko kaya." nakangusong sagot ko.
"Bakit di mo sinabing uuwi ka? Dapat ay nasundo ka namin ng Mommy mo sa airport." Singit ni Daddy na ngayon ay nasa tabi ni Mommy. Hinalikan nya si Mom sa pisngi. Napangiti naman ako.
"ahm, ang totoo po nyan andito na ko kabapon pa." sagot ko.
"what? Saan ka dumiretso? sinong nagsundo sayo?" sunod sunod na tanong ni Daddy.
"Sa condo po, ako lang po mag isa."
"di mo man lang kami tinawagan, ang tagal tagal mong nawala." nagtatampong sagot ni Mommy.
"my naman, wag na kayong magtampo. I just want to surprise you that's why." sagot ko.
"Oo nga naman, honey. Wag ka ng magtampo, ang importante andito na ang prinsesa natin. Diba, anak?" Nakangiting sagot ni Daddy habang niyayakap yakap si Mommy.
"Oh sya, wag nyo na kong pagtulungan. Umupo na kayo dyan at kumain. "
"Buti na lang at may ham and bacon akong niluto." Sagot ni mommy. Humalik ito sa pisngi ko bago bumalik ng kitchen para kunin ang mga niluto nya.
"Dad, where's kuya Drake and Marcus?" tanong ko habang nasa hapag kainan.
"Si Marcus ay nasa company na. Ang kuya Drake mo naman ay nasa Palawan, inaayos ang problema sa Resort natin doon." Sagot ni Daddy. Hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil mas pinili kong lumayo nga dalawang taon at nagtrabaho doon kaysa tumulong sa kanila. I worked as a Pastry Chef sa isang sikat na Hotel sa London na kung tutuusin ay pwede ko namang gawin sa Hotels namin. My family owned a 5 star hotels and resorts, sa tulong na din ng mga kapatid ko ay mas lalong napalago ang negosyo. My dad wants them to be responsible for it.
"Dito ba uuwi si Kuya Drake?" tanong ko ulit.
"Yup. He's staying here. Wala yatang babae ngayon kaya ayaw sa condo nya, you know your brother." nakangising sagot ni Dad. Napangiwi naman ako dahil doon. Totoo naman kasi, ang mga kuya ko ay literal na mga babaero, kaya yata ako ang kinarma. Si Kuya Marcus ang panganay, si Kuya Drake naman ang sumunod at ako ang bunso at unica hija kaya ganun na lang sila kung ingatan ako.
"manang mana sayo." singit ni mommy na ikinatawa ko.
"Uy hindi ako babaero ah, sadyang gwapo lang ako." cool na sagot ni.Daddy na ikanasimangot naman ni Mommy. Haha nakakatuwa silang maglambingan.
BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...