I woke up feeling hungry and dizzy. Tiningnan ko ang oras sa cellphone at pasado ala sais na ng gabi. Ang haba din pala ng naitulog ko, at malamang bukas na ulit ang sunod.
Bumangon ako at pumunta ng kusina, ang I almost cursed myself dahil hindi naman ako nakapag grocery ng mga pangluto. Napahimas ako sa kumukulong tyan ko. Hindi ko kayang tiisin kaya napag desisyunan kong lumabas at maghanap ng makakainan.
Marami namang fast food at resto na malapit sa condo kaya hindi na ko nag abala pang magdala ng sasakyan.
Pumasok ako sa isang fast food chain. Medyo maraming tao sa loob kaya nag dadalawang isip ako, pero sa huli ay doon din ang ending ko.
Pagtapos kong omorder ay dali dali akong umupo sa bakanteng seats dahil baka maunahan ako.
Nagsisimula pa lang akong kumain ng may babaeng nagsalita.
"Ahm, miss. Are you with someone?" tanong ng isang babaeng may mala anghel na boses. I looked at her and I feel so insecure. May hawak syang tray na may lamang pagkain.
"Ahm, no. I'm alone." nakangiting sagot ko.
"Is it okay with you kung patabi?" medyo nahihiya nyang sabi. Tumango tango lang ako. Ngumiti sya sa akin at pinatong ang tray na may lamang pagkain sa ibabaw ng lamesa. Nagtaka naman ako dahil ang dami noon, may burger, fries, spaghetti at ice cream. Luminga linga sya sa paligid na parang may hinahanap.
"Hey, baby. Come here." nakangiting sabi nya sa batang naglalaro sa playground. Humagikhik ang cute na batang babae at tumakbo palapit sa kanya.
"Ahm, pasensya ka na ah? Dalawa kame, okay lang ba?" tanong nito.
"No it's okay with me." nakangiting sagot ko sa kanya habang ang bata ay nakakapit sa hita nya. She's adorable.
Umupo sila sa harapan ko at kumain na din. It feels awkward na may kasabay kang kumain na hindi mo naman kilala.
"Hi." masayang bati ko sa bata ng napatingin sya sa akin. Bahagya itong ngumiti at biglang sumubsob sa dibdib nung kasama nya. I think she's the mother.
"Ohh. I'm sorry about that. Medyo mahiyain kasi sya eh." nakangiting sagot ng babae habang pinupunasan ang gilid ng bibig ng bata.
"She's so cute. Is she your daughter?" tanong ko.
"Yes. She's my daughter. Her name is Savannah." nakangiti at tila proud na proud na sabi nito. Tinitigan kong mabuti ang babae. She has this very beautiful face na talagang papangaraping mukha ng kahit sino. Malalaking mata, malantik na pilikmata, matangos na ilong, magandang hubog ng labi, makinis. Hindi ko alam pero bigla na lang akong na insecure para sa sarili ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nginitian na lang ang cute nyang anak. Ngumiti ang bata sa akin at lalong naemphasize ang ganda ng mga mata nito. Hindi sila magkamukha ng mata ng mama nya dahil sa iba ang kulay nito..
"Wow, that's a very nice name." komento ko.
"thank you. Actually hindi ako ang pumili ng pangalan nya." sagot nito.
"Then who? Her father, I guess?" nakangiting sagot ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya ng sabihin ko iyon. Did I say something wrong?
"y-yeah." mahina nyang sagot. Medyo naguilty ako.
"ahm, I-I'm sorry." medyo nahihiya kong sabi kahit na hindi ko alam kung anong nagawa ko.
"huh? for what?"
"ahm, para kas-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng magsalita ulit sya.
"no. It's okay with me. It's not your fault." sabi nya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Wala na lang kaming imikan habang tinatapos ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...