dedicated to @tabydlda
Ilang araw na ang nakalipas matapos ang tagpong iyon.
Ilang araw ko na ding tinitikis ang sarili ko na kausapin sya.
Gusto kong masanay na wala sya para kung sakali man na mapag isip isip nya kung sino talaga ang mas mahalaga sa kanya. Ako na girlfriend nya o si Lauren na una nyang minahal at ina ng anak nya.
"Hoy? ano? Tuleley ka na naman?"basag ni Alice sa akin. Ngumuso ako at sumubo ng french fries.
"Tsk. Puntahan mo na kaya." seryosong sabi nito at umupo sa tabi ko at kumuha din ng fries.
Hindi ako nagsalita.
"Mahal mo ba?" tanong nya. Napairap ako. Hindi ba halata.
"oo." maikling sagot ko.
"Tanggap mo ba?" tanong muli nya. Alam ko kung anong pinupunto nya.
"Right there and then na sinabi nyang may anak sya, natanggap ko agad. Ayaw ko lang sa ginawa nyang pagsisinungaling." sabi ko.
Siguro ganun talaga pag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo lahat kahit na mahirap. Hindi naman kasi kasalanan ng bata. That cute girl. Wala syang kasalanan.
"Yun naman pala eh. E di puntahan mo, kausapin mo tapos magdyug dyugan kayo para makabuo na din kayo!" tatawa tawang sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Kausapin mo na kasi. Base sa kwento mo, talagang mahal ka nung matchong Zach na 'yun. Nagmamahalan kayo kaya ipaglaban nyo." sabi nito.
Napabuntong hininga ako. Hindi naman ganung kadali iyon, lalo na kapag may 'anak' na pinag uusapan.
"Paano naman ang bata? Ayokong maging selfish, Alice." sagot ko.
"Ay juice ko naman Ellise. Naisip mo pa talaga yan ngayon? Eh ano naman? Hindi naman ibig sabihin ng may anak sya kay Lauren na 'yun ay kailangang sya ang piliin ni Zach. Ano to? Dekada nobenta? Hindi na uso 'yun Ellise. Ang uso ngayon ay kung sino ang mahal, iyon ang pinipili. Eh ikaw ang mahal. Anong problema dun?" sabi nya. May punto sya. Pero ako pa nga ba? Ako nga ba ang mahal nya?
"Pano kung napag isip isip nyang si Lauren pa rin pala ang mahal nya? Hindi malabo yun, Alice. Mas nauna si Lauren kaysa sa 'kin tapos ngayon malalaman laman nyang may cute syang anak." sagot ko. Napasimangot ito.
"Anong nangyari sayo? Bakit ang nega nega mo na ngayon? Hay naku. Hindi mo malalaman kung nandito ka lang maghapon at kakain ng kakain ng french fries." sabi nya. Inirapan ko sya.
"Hindi ba nangangalay yang panga mo sa kakakain? Naka isang kilong fries ka na yata eh." sabi nya. Hindi ako sumagot at kumain na lang.
"Kita mo na? Para kang buntis dyan." sabi nito. Napatigil ako sa pagsubo. B-buntis? Ako? Parang buntis ako? Oh my God.
"h-huh? anong sinasabi mo." sabi ko.
"Sabi ko para kang buntis." sabi nya. Napatahamik kami parehas.
"OMG! Buntis? Don't tell me buntis ka nga?!" eksaheradang sabi nya ng marealize ang sinabi nya.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam.
"e-ewan ko." kinakabahang sagot ko. Shit.
"Kelan ka huling nag ka period?" tanong nya.
Kelan nga ba?
"Last week of the month ako nagkakaroon." sabi ko.
"It means na dapat next week ay magkaroon ka na." sabi nya. Tumango ako.
"God. Mag PT ka." sabi nya. Umiling ako. Masyado pang maaga para sabihin iyon. Although parang may kakaiba nga sa akin nitong mga nagdaang araw. Madalas akong mahilo pero hindi naman ako naduwal.
Kulang lang siguro ako sa tulog.
Hindi na sya umimik kaya ganun din ang ginawa ko.
"Kamusta nga pala si Niña at Harvey?" basag ko sa katahimikan.
"Niña's doing fine but Harvey's not." sabi nito. I feel bad for them.
"Ayaw kausapin ni Niña si Harvey. I don't know the real story kung bakit sya ang sinisisi ni Niña sa pagkawala ng anak nila. Ayaw ko ding magtanong. Naaawa ako kay Niña pero mas naaawa ako kay Harvey. He keep on blaming himself." sabi nya.
"I feel sorry for them." sabi ko. Tumango si Alice.
"Yeah. They're too complicated. Kaya ikaw, Ellise. Wag mong hayaan na ganoon ang manyari sa inyo ni Zach. Hindi naman ito malaking problema e. You two should talk, make things clear. Don't let complications and doubts broke your relationship." sabi nya.
She's right. She's damn right. Pero tinatamad pa kong umalis. Siguro mamaya na lang gabi, sigurado pa kong nakauwi na sya.
"I'll talk to him later." sabi ko. Tumango sya.
"Good. And take my advice seriously, mag PT ka. Cause seriously, para kang buntis." sabi nito.
****
Kagaya ng mga nagdaang araw, puro delata lang ang nilalatankan ko,wala akong ganang mag luto dahil ako lang naman ang mag isa sa pad ko.
Hinahanap hanap ko ang luto ni Zach. Minsan, nagluto ako ng lugaw dahil parang gusto kong kumain ng lugaw, pero parang hindi ko magaya ang timpla nya kaya ang ending binigay kong lahat sa kapit bahay ko at sardinas ang inulam ko.
Miss na miss ko na sya. Lalo na ang amoy nya. Grr. Ano bang nangyayari sa akin?
Binuksan ko ang san marino corn tuna at iyon ang inulam. Masarap naman. Habang kumakain ako ay mukha nya ang nag f-flash sa utak ko na parang slide show. Naiiyak ako. Lately lang ay parang napakaiyakin ko. Nakakainis.
Pagkatapos kumain ay nagpahindag muna ako.
Naglinis muna ako ng katawan bago mahiga sa kama.
Inaantok ako pero hindi pa din ako makatulog. Eto na naman ako, hinahanap hanap ang yakap nya.
Paikot ikot na ako sa kama pero sadyang hindi pa din ako makatulog.
Bumangon ako at naupo.
"Pwede ba Ellise Claudette! Isang linggo at tatlong araw pa! Konting panahon na lang at makikita mo na ulit sya." bulong ko sa sarili ko.
Pero sadyang walang epekto. Puntahan ko na kaya?
Tumayo ako ng tuluyan sa kama at kinuha ang wallet ko. Wala ako sa mood mag drive..
.
.
.
Hindi ko alam kong kakatok pa ba ako o ako na mismo ang magbubukas. Kinakabahan ako at na eexcite na hindi ko maintindihan. Gustong gusto ko na talaga syang makita.
Akma akong kakatok ng bumukas ang pintuan.
Lauren.
Nagulat sya ng makita ako.
Diba dapat ako ang magulat at hindi sya?
Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa. Naka robe lang sya.
"May kailangan ka?" tanong nya. Alam kong sinusubukan lang nyang itago ang pagkainis sa boses nya.
"Where's Zach?" taas kilay kong sagot.
"Sleeping? May kailangan ka ba sa kanya? Sorry, pero ayokong gisingin sya. He's tired, bumalik ka na lang siguro sa ibang araw." mataray na sabi nya.
"I came here to see him. Wake him up, sabihin mo nandito si Ellise." sabi ko. Tumaas ang kilay nya at parang nabahala, pero sandali lang iyon.
Ngumisi sya.
"I don't want to tell you this but I guess I needed to. Zach and I were back together. Kaya nga nandito kami ng anak ko dahil simula ngayon ay dito na kami titira. I don't want to hurt your ego but yes, he chose me over you. He chose me and my daughter over you. So back off. He's happy now, we're happy now." I want to slap her face right now pero hindi ko ginawa.
Napapikit na lang ako ng marinig ang pagsara ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...