4. Don't you dare

671 20 1
                                    

Nagising ako ng maramdamang gumalaw ang kabilang bahagi ng kama ko. Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagyakap nya.

"Gising na sleeping beauty." malambing na sabi sa akin ni Kuya Marcus habang nakayakap sa akin. I miss my Kuya so much.

"Kuya naman eh, inaantok pa ko." pag iinarte ko kahit na ang totoo nyan ay gising na gising na ako.

"Mom told me na dumating ka na. Late akong umuwi kagabi kaya hindi na kita naabutang gising." may paglalambing na sabi nito.

"C'mon get up. Mom prepared a very special breakfast today. Drake is also here." nakangiting sabi nito pagtapos bumangon. I am still lying on my bed.

"Kuya Drake is here? Alam ba nya na dumating na ako?"

"Nah. I don't think so Princess. Madaling araw na sya dumating and he's still sleeping right now." sagot nya.

"Okay. Una ka na sa baba. Mag aayos lang ako." nakangiting sagot ko. He just kissed my forehead bago umalis.

I went straight to the bathroom para maghilamos at saka bumaba.

Naabutan ko si Daddy, mommy at kuya Marcus na nasa hapagkainan na at nag kukwentuhan. Nakangiti akong lumapit sa kanila at binati sila isa isa.

"Goodmorning too baby." bati ni Mommy at humalik sa pisngi ko. Ganoon din si Daddy at Kuya.

"Gisingin ko po muna si Kuya Drake." sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto nito. Hindi naman iyon naka lock kaya dire diretso akong pumasok sa loob. Napasimangot ako ng makita ang kwarto nyang parang nasalanta ng bagyo sa gulo. Wala sya sa kama nya. Baka nasa banyo pa.

Pinulot ko ang mga damit nya na nakakalat sa sahig. Tsk. Hindi pa din talaga nagbabago.

"What? Will you stop shouting at me? No. I get it. You're too loud.. Pwede bang kumalma ka? I don't have any other girls. Okay. I'm s—" natatawa ako sa reaksyon nya habang may kausap sa cellphone. Hindi agad nya ako napansin, agad naman nyang ibinaba ang kanyang cellphone ng makita ako.

"Goodmorning.." hyper na bati ko. Para syang namalikmata ng makita ako.

"Princess?" Gulat na tanong nito.

"Surprise." tinatamad na sabi ko. Agad naman itong lumapit sa akin ng maka get over sya sa pagkagulat.

"You're here. Akala ko namamalikmata lang ako. When did you get home?" tanong nito pagtapos akong yakapin.

"Nung isang araw pa." sagot ko.

"what? bakit di ko alam? Bakit tumaba ka yata?"  Napanguso naman ako sa sinabi nito.

"sabi ni Mommy ang payat ko daw." mahinang sagot ko. Tumawa naman ito na parang nang aasar.

"You know Mom. Malingat lang tayo saglit, pagbalik natin pakiramdam nya ang payat payat na natin hahaha." sagot nito. Yeah. Exactly. That's our mother.

"Lika na sa baba, hinhintay na nila tayo." yaya ko sa kanya. Sabay kaming lumabas habang nakaakbay sya sa akin. Ang bigat ng braso.

"Goodmorning Mom. Dad. And Marcus." nakangiting bati ni Kuya Drake sa mga ito. Hinalikan nya sa pinsgi si Mommy ganun din si Dad.

"Pakiss din baby Marcus." natatawang asar ni Kuya Drake kay Kuya Marcus.

"Oh shut up, Drake." pasuplado at nakairap na sagot ni Kuya Drake. Haha. Pikon.

"Ang sungit mo naman baby." sagot ni Kuya Drake na umaarteng nasasaktan. Nakatingin lang kami sa kanila.

"Stop is Drake. You sounds so gay." natatawang sagot ni Kuya Marcus. Nag high five sila pagtapos nun. Hindi ko din sila maintindihan minsan. Minsan akala mo magsusuntukan na, pero bigla na lang mag tatawanan. Boys. I don't get them.

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon