24.1

315 12 11
                                    

Dedicated to @Lady_Armea

Nakatanga lamang ako sa harapan ng salamin at tinititigan ang sarili ko.

Bakit parang ang taba na ng mukha ko? Napasimangot ako. Parang ang taba ko na nga yata.

Nakakainis. Naiinis ako dahil sa ideyang nananaba na nga ako.

Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Zach.

Ngumiti sya ng makita ako. Pati sa mukha nya ay naiinis ako.

Inirapan ko sya. Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako dahil late na syang umuwi nung isang gabi at hindi man lang sinabi ko ano ang dahilan.

Napawi ang ngiti nya ng irapan ko sya.

Lumapit sya sa aking pwesto at umupo sa tabi ko.

"Oh? Galit ka na naman sa kin?" nakalabing tanong nya. Inismiran ko lang sya. Panong hindi? Bukod sa late na lagi syang umuwi ay palagi na din syang busy, kahit nandito na sa bahay.

"Magbihis ka na. Baka malate ka." sabi ko na lang at tumayo. Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa.

"Parang tumataba ka yata ah." sabi nito. Mas lalong uminit ang ulo ko sa kanya.

"Kasalanan mo to!" sigaw ko sa kanya. Halos maluha luha na ako. Sino sya para sabihing mataba ako? Sya na wala ng oras sa kin.  Naiinis ako sa kanya.

"h-hey, nagbibiro lang naman ako." mukhang naalarma sya dahil sinigawan ko sya.

"Pumasok ka na." mahina kong sagot. Ayoko ng magsalita pa dahil pakiramdam ko ay mag aaway lang kami.

"Ano bang nangyayari sayo?" bakas na sa boses nito ang pagkairita.

"Wala. Umalis ka na nga. May pupuntahan ako." masungit na sabi ko. Kumunot ang noo nya pero hindi sya kumibo.

"Madaling araw ka ba uuwi?" tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya ng itanong ko iyon.

"Whatever. Hindi na sana ako magluluto ng hapunan kung umaga ka ulit uuwi." sabi ko habang inaayos ang bag ko. Pupunta muna ako kay Kuya Marcus. Wala lang, parang gusto ko lang syang makita.

"Pag aawayan ba natin to? You know that I'm busy right?"

"May sinabi ba kong hindi ka busy? Kaya nga nagtatanong ako diba? Para naman alam ko kung matutulog na ako o hihintayin ka pa." sabi ko. Rumehistro sa mukha nya ang lungkot.

"O? Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko. Pumikit sya ng mariin at tumango.

"Aryt." sabi nito. Lumapit sya sa pwesto ko at akmang hahalikan ako pero umiwas ako. Napabuntong hininga sya.

"I love you." sabi nya na hindi ko din sinagot.

Pinanood ko syang umalis. Bakit pakiramdam ko iiwan na nya ako? I shooked my head. Masyado na akong paranoid at OA sa di ko malamang dahilan. Dahil ba ito sa palagi nyang pag uwi ng dis oras ng gabi? Dahil ba pakiramdam ko ay may iba syang pinagkakaabalahan?

Huminga ako ng malalim. Ayokong maburo sa lugar na to habang naghihintay sa kanya sa buong maghapon na hindi ko naman alam kung anong oras uuwi o may balak pa bang umuwi.

I get my car keys at bumaba na din.

.

.

.

Dahil alam ko naman ang passcode ni Kuya ay dire diretso akong pumasok sa loob. Hindi ko naman kasi sigurado kong nandito pa sya. Maaga kasing napasok iyon sa trabaho.

Walang tao sa sala kaya pumunta ako sa kwarto.

Bukas ang pintuan kaya pumasok ako at nagulat ako sa nakita ko. Seriously?

Ngumisi ako sa kanila. Sweet eh?

Napailing na lang ako at lumabas baka kasi naiistorbo ko sila.

Kuya asked me kung bakit ang aga aga ay nandito ako sa pad nya.

So I tell him about my problem and he gave me advices. Medyo natauhan ako at nag isip.

Siguro tama sya. Masyado lang siguro akong nag iisip ng kung ano ano.

Pagkatapos noon ay nag paalam na ako.

Umuwi muli ako sa pad nya para magluto ng lunch.

Siguro ipagluluto ko na lang sya tapos idadala ko na lang sa opisina nya. Peace offering na din.

Inihanda ko lang ang mga ingredients na gagamitin para sa gagawin kong afritada at lumpiang bangus.

.

.

.

.

Pagkatapos magluto at maligo ay inihanda ko na ang dadalhin ko. Kumuha lang ako ng di kalakihang paper bag para doon ilagay ang mga inihanda ko.

Nang makontento ay lumabas na ako papunta sa kanya. I did not tell him na pupunta ako at magdadala ng lunch para sa kanya. I want it to be a surprise. Sana naman ay hindi sya galit o nagtatampo dahil sa nangyari kanina.

Halos lahat ng empleyado nya kaya't kaliwat kanan ang bumabati sa akin. Syempre binabati ko din sila o ngingitian pabalik.

Pagdating ko sa 5th floor kung saan ang opisina nya ay agad kong nakita ang secretary nya.

"Hi, Ash. Nasan si Zach? May meeting ba?" tanong ko. Agad namang ngumiti si Ashley ng makita ako.

"Si Sir po? Eh hindi po ba sinabi sa inyo?" kunot noong tanong nito. Nagtaka naman ako.

"huh? hindi sinabi ang alin?" tanong ko.

"Umalis po eh. Ni-cancel nga po ang meeting nya from 11 to 2." sabi nito.

Mas lalo akong nagulat.

"s-sinabi ba nya sayo kung saan sya pupunta?" tanong ko. Parang nag isip sya.

"Wala po eh. Pero may kausap sya sa phone bago umalis." sabi nito.

"ano nga bang pangalan nun? L-lauren. Oo tama Maam. Lauren nga yung pangalan ng kausap nya bago sya umalis. Kilala nyo po ba iyon?" tanong nito.

Parang nanlamig ang buong katawan ko. Lauren?

Isa lang naman ang kilala kong Lauren..Ang Ex nya.

Tumango na lang ako. Parang naninikip ang dibdib ko sa nalaman. Kaya ba ganung oras na sya kung umuwi? Nagkikita sila? Nagbalikan na sila?

"m-maam ayos lang po kayo?" natigil lang ang pag iisip ko ng tanungin ako ni Ashley. Ngumuti ako at iniabot sa kanya ang paper bag na may laman lamang pagkain na dapat ay para kay Zach na mukhang may pinagkakaabalahang iba.

Nagtataka itong tinanggap ang paper bag na bibibigay ko. Magsasalita pa sana sya pero naglakad na ako palayo. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kailangan kong mag relax dahil pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sama ng pakiramdam ko.

Lauren. Lauren. Kailan ba sya mawawala sa eksena.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext sya. I asked him kung nasaan sya.

Zach: Meeting, sweetheart. why? It's lunch time already. Kumain ka na. I love you.

Halos mapudpod ang ngipin ko sa sobrang inis sa kanya.

Me: LIAR!

Pagkasend na pag kasend ko noon ay tinanggal ko ang battery ng cellphone ko. I thought he changed. Sinungaling pa din pala.

Mamaya na part 2 :) Dora na naman ang peg ko haha :)

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon