12. The Call

578 15 11
                                    

SPG!

Nagising ako ng wala ni Zach sa tabi ko. Tiningnan ko ang orasan sa tabi. Baka pumasok na.

Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos at para magbra. Pero pagtingin ko sa pinag iwanan ko kagabi wala ito, pati ang dress ko pati pala undies ko. Shit.

Lumabas ako ng kwarto pero wala si Zach. Nasaan kaya sya?

"Ay madam, magandang umaga. Si Sir po nasa kusina, ipinagluluto ka." nakangiting bungad sa akin ng isang maid.

"ganun po ba? Salamat po." magalang na sagot ko sa kanya. Tumango lang sya at itinuro ang kusina. Malaki kasi masyado ang bahay na to kaya mahihirapan kang madistinguish kung nasaan ang kusina, kwarto at kung ano ano pa.

Naabutan ko si Zach na nakatalikod at may hawak na sandok. Naka sweat pants lang sya at walang pang itaas kaya kita ko mula dito ang malapad at magandang hubog ng kanyang likod.

Tumikhim ako para maagaw ko ang atensyon sa ginagawa.

"hey goodmorning.." medyo nagulat sya ng makita ako pero agad din namang nawala iyon.

"g-goodmorning din." sagot ko. Pinatay nya ang apoy sa kalan at lumapit sa pwesto ko para bigyan ako mabilis na halik sa labi.

"C'mon. Breakfast is ready." sabi nya sabay hila sa akin papunta sa dining table. Ipinaghila nya ako ng upuan.

Umupo ako at hinintay syang kunin ang pagkaing niluto nya.

"Hotdog? Egg? Rice or bread?" tanong nya ng makaupo sya sa tabi ko. Ang dami nyang niluto kaya mas lalo akong ginutom.

"Can I have them all?" wala sa sariling sabi ko. Ngumisi sya at nilagyan ako ng pagkain sa plato.

"by the way, pinalabhan ko ang damit mo." sabi nya. Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Your dad's called me earlier." napatingin ako dahil sa sinabi nyang iyon.

"B-bakit daw?" kinakabahang tanong ko.

"Just asking kung kasama kita." maikli nyang sagot.

"anong sabi mo?" tanong ko ulit.

"Sabi ko Oo and he was glad about it." mayabang nyang sagot. Inirapan ko lang sya. My dad really like him for me.

"and at hindi lang yun, you're mom talked to me too, inviting me to have dinner with your whole family tonight." pagmamalaki nyang sabi. Napailing na lang ako. They really like him for me except my brothers, especially kuya Drake.

I am so glad na hindi na nya na open pa ang topic tungkol kay Lexi at yung nangyari sa bar kagabi. Gustuhin ko mang marinig ang paliwanag nya ay ayos na din ang ganito dahil alam ko namang tatanggapin at tanggapin ko sya, totoo man o hindi ang sasabihin nya.

"Anong oras mo ko ihahatid? Saka anong oras ka papasok?" tanong ko habang nag liligpit ng pinagkainan.

"tsk. Just live it there. And no I'm not going to work today. We'll be staying here the whole day." sabi nya na nakasimangot dahil sa ginagawa ko. Wala namang big deal.

Tinalikuran ko sya at pumunta sa sink para ilagay doon ang mga plato. Sumunod sya sa akin at hindi na ako nagulat pa ng yakapin nya ako.

"you don't have to do that. I have maids. C'mon let's just go back to my room." malambing nyang sabi habang hinahalik halikan ang leeg ko.

Humarap ako sa kanya at inabot ko ang labi nya para sa isang halik.

I heard him groan.

"Shit." ungol nya bago ako bitawan at hilahin paalis sa kusina at dalhin sa kwarto.

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon