"Tama na nga yang pag iyak mo, Claudette. Mukhang kinisot ng bubuyog iyang mata mo, oh." awat sa akin ni Alice.
"Bakit ka kasi nagpapaniwala dun? Si Zach ang dapat mong kausapin at hindi ang Lauren na yun."
"Anong gagawin ko? Magpumilit akong pumasok sa loob para makausap si Zach? Eh paano nga kung totoo na mas pinili nya yung mag ina nya?" ako habang patuloy sa paghikbi.
"Ewan ko nga sayo, napaka nega mo. E malay mo sadyang desperada lang sya kaya sinabi nya 'yun. Kaya nga ang dapat mong kausapin ay si Zach." sermon nya. Pinunasan ko ang luha ko at kumalma.
Naiiyak talaga ako. Naiiyak akong isipin na gustong gustong ko na syang makita pero hindi na pwede dahil pinili nya si Lauren. Anong gagawin ko?
"Ellise naman eh, ano bang gagawin ko sayo? Ang tigas ng ulo mo. Ginusto mo yan tapos iiyak iyak ka..Ang gulo mo din kasi."
"wag mo nga kong pagalitan, nasasaktan na nga ko eh." naiinis na sagot ko. Inirapan nya lang ako at may ibinato sa aking isang plastic.
"Ano to?" tanong ko.
"Aba e di tingnan mo."
Agad ko naman itong tiningnan at ganun na lang ang aking kaba.
"PT kit?"
"Yep. Subukan mo bilis at baka sakiling maging ninang na ko, ang lakas mo kasing mag maganda ngayon."
Inirapan ko lang sya. Hindi ko naman alam kung paano ko to gagamitin.
"May instructions sa loob nyan, sige na. Lakad na sa banyo." pamimilit nya.
Wala namang mawawala kong susubukan ko diba? Wala nga ba?
Nag uumpisa na namang mangilid ang luha ko. Paano kung meron na ngang laman? Anong gagawin ko?
Paano ko sasabihin sa kanila? Sa pamilya ko?
Kinakabahan akong binasa ang instructions na nakalagay at sinunod iyon.
Matapos gawin ay naghintay ako ng ilan pang minuto para malaman ang resulta.
.
.
.Matapos kong mag pa schedule sa OB gyne para sa check up ko ay dumiretso ako sa Mall para mag grocery.
Hindi pa din ako makapaniwala na may munting anghel na sa sinapupunan ko. Masaya naman ako pero hindi ko maiwasang matakot at malungkot.
Madaming bagay ang bumabagabag sa isip ko. Kailangan kong makausap si Zach, sigurado akong buntis ako kahit na hindi pa ito na coconfirm ng OB. Iba talaga ang pakiramdam ko.
Alam na din ni Alice at para syang kiti kiti kanina. Sya daw ang sasama sa aking mag pa check up bukas kung wala akong makakasama basta siguraduhin ko lamang daw na kasama sya sa listahan ng magiging ninang ng magiging anak ko. Kahit naman hindi sya mag volunteer ay gagawin ko.
Ako lang ang mag isa ngayon dahil may customer sya.
Padating sila dad bukas kaya gusto ko silang ipagluto kaya bibili ako ng mga kakailanganing ingredients.
Kumuha ako ng big cart at nagsimula ng mamili.
Nadaanan ko ang isang magazine section, it's about pregnancy. Wala s sariling kinuha ko ito at napangiti.
Nakakatuwa namang isipin na ilan pang buwan mula ngayon ay lalaki na din ang aking tyan at kailangan ko ng magsuot ng maternity dress. Nakaka excite na nakakakaba pero kakayanin ko. Kung sakali man na totoo ang sinabi ni Lauren ay dapat ko na sigurong tanggapin. Hindi naman ako nagkulang sa kanya, minahal ko sya ng sobra sobra at nagawa kong maghintay ng ilang taon para lamang mahalin nya din ako, nangyari naman pero siguro ay panandalian lamang. Masakit man ay dapat kong tanggapin. Dapat kong tanggapin na sa aming dalawa ni Lauren ay mas matimbang sya sa puso ni Zach.
BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...