32.

315 14 3
                                    

Paikot ikot ako sa kama at di makatulog.

Pinagmasdan ko si Zach na himbing na natutulog sa tabi ko. Gustong gusto ko syang gisingin para pakuhain ng pagkain sa kusina dahil nagugutom ako pero di ko magawa. Alam kong pagod na pagod na sya sa maghapong trabaho sa kompanya. Tulog na nga lang halos ang kanyang pahinga tapos guguluhin ko pa.

Sa huli ay wala akong nagawa kung di ang bumangon para kumain. Napahawak ako sa aking tyan. Napangiti ako ng maramdaman ang maliit na umbok doon. Lumalaki na ito kaya mas lalo akong na eexcite.

Dahan dahan lamang ang ginawa kong pagkilos dahil baka magising ko sya. Nagawa ko naman ito at nakarating ng kusina na walang iniistorbong tao.

Mag tatatlong linggo na buhat ng mangyari ang bagay na iyon na halos maglagay sa amin lahat sa panganib. Mabuti na lamang ay natuldukan na.

Muli akong napahawak sa aking tyan. Hindi ko alam kung ilang timba ng luha ang iniyak ko pag gising ko sa hospital ng araw na iyon sa pag aakalang may nangyaring di maganda sa baby ko at pati kay Kuya. Thank to God. We're all fine now. Si Kuya ay maayos na din ang kalagayan. Nakakalungkot lang isipin ang nangyari kay Lexi. Hindi sa akin binabanggit ni Zach kung ano na ang kalagayan nya. Ang mahalaga daw ay ayos na ako at ang magiging anak namin. Medyo mahigpit pa din ang seguridad dito sa bahay dahil sa nangyari. Zach make sure that we're all safe.

Binuksan ko ang ref at naghanap ng makakain. Parang nag star ang paningin ko ng makakita ng peanut butter sa ref. Dali dali ko itong kinuha.

Nag isip ako kung saan ko sya pwedeng ipares. Nasusuka ako kung iisiping tinapay at papalamanan ko ito ng peanut butter. Umiling ako bago pa ko maduwal.

Umupo ako sa upuan. Nag iisip kong ano pa ba ang gusto kong kainin.

Tinitigan ko ang peanut butter at inilayo iyon sa akin. Ayoko na pala. Gusto ko ng.. gusto ko ng lugaw. Pero gusto ko iyong luto ni Zach.

Nakapangalumbaba lamang ako sa lamesa, iniisip ang lugaw na gusto kong kainin. Naiiyak ako dahil hindi ko pwedeng gisingin si Zach para ipagluto ako.

"Ellise? Damn. I thought you.. Shit." napaayos ako ng upo ng makitang humahangos si Zach papunta sa akin.

Agad akong niyakap.

Napasimangot ako. Ano bang nangyayari?

"Bakit?" inosenteng tanong ko. Napaawang ang kanyang bibig.

"bakit? Nagising lang naman akong wala ka na sa tabi ko and to think that it's only 1 am." madiing sabi nya. Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Nagagalit ka?" tanong ko.

Sunod sunod ang pag iling nya.

"I'm just.. I'm just worried." sabi nya. Ngumuso ako.

"Sorry. Nagutom lang ako." sabi ko.

Lumuhod sya sa harapan ko. Hinaplos nya ang aking pisngi.

"You should wake me up, then." sabi nya. Umiling ako.

"I don't want to disturb your sleep." sagot ko.

He smiled.

"But I want you to disturb me during your cravings. Ako dapat ang nagbibigay nun sayo, diba? It's fine with me, Sweetheart." he sweetly said. Hinaplos ang aking puso.

Tumayo sya.

"What do you want? akala ko ba ay nagugutom ka?" tanong nya. Ngumiti ako.

"gusto ko ng lugaw na gawa mo." malambing kong sagot. He laugh and kissed my forehead.

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon