"hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Zach na wala ng ginawa kundi ang alalahanin ako maya maya.
"Uuwi ako saglit tapos babalik din ako agad." sabi nya.
Inirapan ko lang sya. Napaka makasarili nya talaga.
"Zach?" mahinang tawag sa pangalan nya. Ang dami dami kong gustong itanong at ito na siguro ang pagkakataon.
"Hmm?"
"Ok na kayo ng mommy mo?"
Ngumiti sya at tumango.
"yeah. I already understand everything. She loves me." masayang sabi nito. I smiled at him para ipakitang masaya ako para sa kanya. Hindi na ako nagtanong kung anong nangyari.
Bigla namang napawi ang mga ngiti ko ng maalala ang sitwasyon naming dalawa.
I let a deep sighed.
"What's wrong?" malambing na tanong nya.
Malungkot akong umiling. Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko.
"C'mon tell me, sweetheart. What's wrong?" pag pilit nya. Everything is wrong.
"You chose her." mahina kong sagot.
Kumunot ang kanyang noo na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.
"What?" tanong muli nya.
"What about Lauren, Zach? Si Savannah?"
I heard him sigh.
"I-I don't know. Hindi ko pa alam." sagot nya.
"Lauren told me something." sabi ko. Maybe it's time to open up this topic.
"what is it?"
"Sabi nya—sabi nya sa 'kin, bumalik ka na daw sa kanya. Na sya ang pinili mo."
"what?!" gulat na tanong nya. Hindi na ako nagsalita at yumuko na lamang.
"You believed her?" parang nanghihinang sagot nito.
"Hindi naman malabong mangyari diba? Lalo na may anak pala kayo and beside, she's living with you." sabi ko.
Lumapit sya sa akin at pinaharap ako sa kanya.
"I won't choose Ellise. Ikaw ang mahal ko. Ikaw at ikaw lang. Si Lauren, she's the mother of my daughter, pero hindi ibig sabihin ay dapat ko syang piliin. See? I love you and whatever may happen, walang magbabago sa nararamdaman ko." sabi nya. Ako naman ay hindi mapigilan ang pagluha.
Mahal nya ako.
"how about 'em? Si Savannah?" tanong ko.
"I'm gonna tell them about us. Lauren already knew it, it's Sav that I'm worrying about." sabi nya.
"Paalis si Lauren next month, I convincing her to live Savannah. I let 'em in my pad because Savannah's got sick. Palagi nya akong hinahanap." sabi pa nito.
Tumango ako pero hindi ko maiwasang malungkot. Bakit napakomplikado ng lahat? Bakit hindi na lang pwede na maging maayos ang relasyon naming dalawa?
"Don't stress yourself too much, Sweetheart. It's not healthy." malumanay na sabi nya.
"I just can't help it, Zach." sagot ko naman.
"I'm sorry, it's all my fault. Don't worry I'll do everything to fix this." he said and then kissed my forehead. Isinandal ko ang sarili ko sa katawan nya at agad naman nya akong niyakap.
Aminado akong kailangan ko sya. Ayokong dumepende sa kanya pero parang hindi ko kaya. Kailangan ko sya. Ayoko syang mawala sa 'kin.
"You missed me?" natatawang tanong nya. Mas niyakap ko pa sya.
BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...