22. Invitation Card

358 14 7
                                    

Hello :)

Ellise

I woke up feeling better than yesterday.

Dahan dahan akong bumangon ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang topless na si Zach na may dala dalang foodtray. Napanguso ako sa nag aalala nyang mukha.

Agad nyang ipinatong ang tray sa tabi ng kama at lumapit sa akin.

Hinipo nya ang aking noo.

"Feeling better now?" tanong nya. Tumango lang ako.

"Naiihi ako." sabi ko at agad naman nya akong inalalayan papuntang banyo.

Naghilamos na din ako at nag toothbrush. Paglabas ko ay nasa may pintuan lang si Zach nag aabang.

Inalalayan nya akong muli hanggang sa kama.

Tiningnan ko ang niluto nya. May lugaw.

Mukhang masarap dahil ang bango ng amoy.

Akma ko itong kukunin para tikman ng unahan ako ni Zach.

"susubuan kita." sabi nya.

"Kaya ko na."

"Tss. Let me take care of you." napangiti ako ng sabihin nya yun. Tumango lang ako at inumpisahan na ang pagsubo sa akin.

"Nasobrahan ka daw sa pag bababad ng katawan." napakagat labi ako. Kaya siguro ako nilagnat dahil sa pag bababad sa bath tub. Nakatulog kasi ako pero ilang minuto lang naman.

"Sabi ko naman kasi sayo na wag kang matutulog sa bathtub." seryosong sabi nya.

"Eeh nakakarelax eh." dahilan ko. Nag buntong hininga lang sya at hinawi ang magulo kong buhok na nakaharang sa pisngi ko.

"Ayan tuloy nagkasakit ka. Tss. Ano narelax ka ba ngayong may sakit ka?" tanong nya. Ngumuso lang ako.

"Tsk. Don't pout."

"Ok lang yun, at least inaalagaan mo ako." biro ko. Pinaningkitan nya ako ng mata.

"Kahit wala ka namang sakit inaalagaan at aalagaan kita." sabi nito na mas lalo kong ikinangiti.

"Alam ko. Nagbibiro lang. I love you." nag lalambing kong sabi.

"I love you too." sabi nya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

"Hala, anong oras na? Baka late ka na."

"Late? Nah. Walang late late, I'm the boss and no, I'm not going to work today." sabi nya habang pinapainom ako ng gamot.

"Huh? E di ba kayo ni Kuya Marcus ang nag aasikaso ng dapat project nating dalawa?"

"Yep. I called him earlier." sagot nya at ipinagpatuloy ang pagsubo sa akin.

Maya maya ay tumunog ang cellphone nya, agad naman nya itong sinagot.

"It's your brother." sabi nya at iniabot sa akin ang cellphone. Napangiti ako.

"Hello kuya?"

[God, Princess. Are you okay? May sakit ka daw? Anong sabi ng doktor? Uminom ka na ba ng gamot? Bakit ka nagkasakit huh? Hindi ka ba inaalagaan ni Zach? May masakit ba sayo? C'mon tell kuya." sunod sunod at tarantang tanong nya. Napanguso ako dahil hindi ko naman alam kung anong uunahin kong sagutin.

"Relax kuya. Zach taking care of me. Don't worry lagnat lang naman to and yes, nagpatingin na ako at ayos naman, may gamot naman eh. Saka wala ng masakit sa kin." mahabang sagot ko.

[Thank God. Aka— what the hell Drake..] dinig ko ang gulat sa boses ni Kuya.

[hello, baby? Are you ok? Damn. Bakit ka nagkasakit? Sisipain ko talaga yang Zach na yan eh, pinapabayaan ka. Pupunta ko dyan mamaya, iuuwi na kita.] napailing na lang ako kay kuya Drake. Tsk Tsk.

"Kuya naman eh. Inaalagaan naman ako ni Zach, kasalanan ko naman kung bakit ako nagkasakit eh. Wag ka ng mag alala. I love you." lambing ko.

[Aba dapat lang! dapat lang na alagaan ka nya, matapos ka nyang agawin sa— Damn. Stop acting so immature Drake. Give me the goddam]

Toot. toot.

Napatingan na lang ako sa cellphone.

"Drake is really obsessed with her baby sister." nakangiting sabi ni Zach na ngayon ay nakatitig lang sa akin.

Natawa na lang ako. Yes that's true. Pareho nila akong mahal na mahal pero iba si Kuya Drake. Sabi ni Mommy ay sadyang ganun daw si Kuya magmula pa ng baby ako. Ako lang kasi ang babae kaya mahal na mahal nila ako. Pinagdadamot pa nga daw nya ako kay Kuya Marcus madalas eh. Gusto nya na sya lang ang kakarga sa 'kin. Natatawa na nga lang ako kapag kinukwento sa akin ni Mom at Dad yun eh.

"want some more?" tanong nya. Hala. Naubos ko pala pero hindi pa din ako busog.

"Yes please." nakangiti kong sagot. Ang sarap talaga nyang magluto. Nadaig na nya ako.

"Just wait here. Wag ka ng maglilikot." paalala nya. Tumango lang ako.

****

Zachary

Pagkatapos ko syang pakainin ay pinainom ko na sya ng gamot. Nakahinga ako ng maluwag dahil sinat na lang ang meron sya.

Pinakaba nya talaga ako kagabi. Halos magdamag akong walang tulog but it's okay with me, basta para sa kanya.

"Sleepy?" tanong ko ng makita syang humikab.

Tumango sya.

"want me to hug you?" naglalambing na tanong ko.

Umiling sya na ikinasimangot ko.

"Baka mahawa ka." sabi nya. Umiling lang ako. I missed hugging her.

Nahiga sya at ipinikit ang mata. Lumapit ako sa kabilang side ng kama at tumabi sa kanya. Nagmulat sya at sumimangot.

"Ang kulit mo po." natatawang sabi nya ng balutin ko sya ng yakap ko.

"Tss. Wag ka ng madaldal. Just sleep, aryt? Just let me hug you." sabi ko. I feel so sleepy.

Pero may kailangan pa akong tapusing trabaho. Hinintay ko lamang sya na makatulog ng mahimbing bago ko sya bitawan.

Tiningnan ko muna sya. My girl is so damn beautiful at hindi ako magsasawang titigan sya kahit kailan. I kissed her forehead bago dahan dahang bumaba ng kama.

Halos mapamura ako ng maalalang nasa kotse nga pala ang laptop ko. Kamamadali ko kagabi ay nakalimutan ko na.

Dali dali akong kumuha ng tshirt at kinuha ang susi at bumaba.

.

.

.

.

"There you are." dinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I slowly turned my head to face her.

She's wearing that beautiful smile on her lips.

"what are you doing here?" malamig na tanong ko.

Hindi nya ako sinagot at may kinalkal na kung ano sa bag nya.

"This. U-uhm. I-I just want to give you this." sabi nya. Pink na sobre na mukang invitation card.

Nilampasan ko lang sya.

"w-wait, p-please. j-just take this."

"Seriously Lauren? You came here just to gave me that? Ugh. Damn, ok. Just leave, aryt?"

****
Lauren

Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Seeing him like that na parang wala na talagang pakealam sa akin.

I just came here to give him an invitation card for his daughter's fourth birthday this coming Saturday.

"May kailangan ka pa ba?" malamig na tanong nya. Napayuko na lang ako.

"U-uhm, sana makapunta ka. That's a very speacial day. Yeah. Thank you. Gotta go." paalam ko na halos hindi makatingin sa kanya.

Mabilis akong naglakad pabalik ng kotse.

Sana makapunta sya. Savannah will be very happy if he did. I just pray to God that somehow he will open and read the card. I just hope so.

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon