Pagkatapos kung magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Zach na may kausap sa phone nya.
"what? Who? Tell her I'm busy.. What?! Damn it. Ok, give me an half hour.." naiinis na sagot nya saka binaba ang cellphone. Kunot na kunot ang noo nyang tumingin sa akin.
"Is there's something wrong?" nag aalala kong tanong.
"just the office." sagot nya.
"it must be important. Wag mo na lang akong ihatid, pumunta ka na doon, baka kailangan ka nila." sagot ko.
"but-"
"It's okay Zach, next time na lang. Anong oras na oh? Mauna ka na, I'm okay." malambing na sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"I'm sorry, babawi ako next time." sagot nya. Ngumiti lang ako at tumango tango sa kanya.
"you look good in jeans." nakangisi nyang sabi ng mapansin ang suot ko. Napasimangot naman ako at narinig ang mahina nyang pagtawa.
"Tsk. Stop it." irap ko dito. Ngumisi lang sya at halos mapatalon sa gulat ng bigla nya na lang akong hilahin palapit sa kanya at kantalan ng mabilis na halik sa labi.
"I missed you.." sabi nya pagkatapos akong halikan. Diretso lang syang nakatitig sa akin. Hinaplos nya ang pisngi ko habang ang isang kamay ay nakayakap sa bewang ko.
Napakagat ako sa labi dahil doon. I missed him too but I don't know how to tell him.
"stop biting your lip. Baka kung san na naman tayo mapunta, ibang labi na naman ang mahalikan ko." seryoso sa una pero natatawa na sya sa huling linya na sinabi nya. Nag lo loading pa ako nung una at halos lumaki ang mata ko ng marealize ang huli nyang sinabi. Hinampas ko sya sa dibdib habang sya ay patawa tawa lang.
"n-nakakainis ka. Ang m-manyak mo." nauutal na sabi ko. Hinuli nya ang kamay ko at dinala iyon sa labi nya.
"let's go?" yaya nya sa akin. Tumango lang ako bilang pagsagot. Nakaakbay sya sa akin habang papalabas. Ngising ngisi nga ang guard ng makita kami. Siguro ay iniisip nyang kami pa rin hanggang ngayon kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung anong namamagitan sa aming dalawa.
Pagdating sa baba ay sinamahan nya ako hanggang sa tapat ng sasakyan ko.
"You take care, ok?" malambing na sabi nya.
"yeah. Ikaw din. Dahan dahan lang sa pagmamaneho." nakangiti kong sagot. Ngumisi lang sya.
"you know I'm always fast when driving, sweetheart. I can't make it slow." nakangisi nitong sagot. Namula ang pisngi ko. Shit. Bakit iba ang nasa isip ko? Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
"you're blushing.." nang aasar na sabi nya. Inirapan ko sya dahil doon.
"heh! umalis ka na nga.." pagtataboy ko dito. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at binuksan ang makina habang sya ay nananatili pa ding nakatayo sa labas, ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabilang bulsa. Nasabi ko na ba kung gaano sya kagwapo? Damn.
Binuksan ko ang bintana at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya, umiwas sya ng tingin. Anong problema nito?
"Uy, Zach." tawag ko dito. Nakasimangot syang tumingin sa akin.
"Ingat ka. Una na ako." nakangiting sabi ko saka kumaway sa kanya. Tumango lang sya at hinintay akong makaalis.
Sa pagmamaneho ay hindi ko maiwasang mag isip. Sobrang bilis ng mga panyayari sa pagitan namin ni Zach at hindi ko mapigilin ang matakot at magduda. Paano kung hindi naman talaga totoo ang mga pinapakita nya? Kaya ko bang masaktan ulit sa pagkakataong ito?
BINABASA MO ANG
Slave of love
Roman d'amourHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...