28. I don't know anymore

431 14 4
                                    

Zach

I woke up without Ellise beside me. Napabalikwas ako ng bangon when I heard a vomitting sound.ui

Damn.

Dali dali akong bumangon at halos takbuhin ko na ang banyo sa pag aalala sa kanya.

"Sweetheart?" nag aalalang tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon dahil patuloy sya sa pagsusuka. Kagigising ko pa lang pero ramdam na ramdam kong pinagpapawisan na agad ako ng malamig at alam kong namumutla na din ako pero kahit ganun ay nagawa ko pa ding lumapit sa kanya at hinagod hagod ang kanyang likod. Normal ba talaga ito? I mean-damn. Kung ganito araw araw ay baka mamatay ako sa pag aalala sa kanya.

Ng matapos sya ay ako na mismo ang nagpunas ng bibig nya.

"N-nahihilo ako." mahinang nyang usal. Doon ako mas lalong naalarma.

Agad ko syang pinangko na alam kung ikinagulat nya.

"T-teka-ano ba? Lalo akong nahihilo." mahina pero may diin nitong sabi.

Maingat ko syang inilapag sa kama.

"I-I'm sorry. d-do you want me to bring you to the hospital?"

Umiling iling lang sya.

"but I'm worried."

Tintigan nya lang ako at maya maya pa ay umiwas din sya ng tingin sa akin at.. umiyak.

Nanlaki ang mga mata ko.

"w-why are you crying? May masakit ba? May nararamdaman ka bang iba?-

"I don't want to see you." humihikbi nitong sabi.

Napalunok ako. Ang sakit. Ang sakit pala.

"But at the same time..at the same time, I want to."

I didn't say anything, I just hug her tight. Kahit gaano pa kasakit ang sabihin nya, hindi ako papatalo. Mas lalo ko pa syang iintindihin. Mas lalo ko pa syang mamahalin. Lalo na ngayon.

"Please don't ask me to leave." halos pagmamakaawa ko.

Naramdaman ko ang pag iling nya sa dibdib ko.

"I-I wont. I'm sorry." sabi nya.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi and kissed her forehead.

"Mahal kita." sabi ko. Lalong nagtubig ang kanyang mga mata.

"I-I uhm.I have a check up later. Makakasama ka ba?" parang nahihiya nyang tanong.

Pinipigilan kong mapangiti.

"Of course. It's about you and our baby, right?" sagot ko.

Tumango sya at bahagyang ngumiti.

"Thank you Zach."

I can't help my tears anymore. Kagabi ko pa talaga nararamdaman ito, pinipigilan ko lang.

Wala na akong pakealam. I'm just so happy. So damn happy but at the same time, I'm afraid. Natatakot din ako sa mga susunod na mangyayari.

"I'm sorry, Ellise. I make it up to you, I promise."

I hug her again and feel her soft body into mine. I just missed her so bad. So so bad na parang kahit isang buong linggo pa kaming magyakapan ay ayos lang at kontento na ako.

.

.

"Are you okay? Nahihilo ka ba?" tanong ko while we're on the middle of the road, we're heading to the hospital kung saan sya mag papa check up.

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon