Hindi ko alam kung paano ako nakawi kanina ng maayos at parang wala lang nangyari. Hindi ako umuwi ng bahay at hindi rin sa condo ko. Pumunta ako kay Alice dahil day off nito sa trabaho ngayon.
"o? Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong nya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa unit nya.
"nothing.." Sagot ko. Pinaningkitan nya ako ng mata at pinakatitigan maiigi.
"Nothing? Oh. You must be kidding. Para kang ako nung nakaraang mga araw. Broken te?" Natatawa nyang sabi.
"how 'bout you and Lee? Maayos na ba kayo?" pag iiba ko ng topic. Umasim ang kanyang mukha tanda ng hindi nagustuhan ang tanong ko.
"wag mo syang banggitin, nakakarimarim." nakairap na sagot nya. Kung di nga lang masakit ang puso ko malamang kanina pa ko tumawa.
Bumuntong hininga sya at umupo sa tabi ko.
"Alam mo Lisse, kilala kita eh. Yang mukhang yan? Ganyang ganyan ang mukha mo kapag sinasaktan ka ng ponyetang malanding Zachary na yun." sabi nya. Hindi ako makapag salita.
"oh ano? Tama ako? Pero ang pinagtataka ko lang, bakit ka mag kakaganyan ngayon eh wala ka namang boyfriend? wala nga ba? O kayo na talaga ni Calvin?" nagtatakang dugtong nya.
"Psh. Wala nga napagod lang ako." pag sisinungaling ko. Busangot ang mukha nyang tumingin sa akin.
"hoy Claudette tigil tigilan mo ako huh? Dahil kahit anong sabihin mo alam kung nagsisinungaling ka." basag nito sa akin. Napangiwi ako. She is my friend at nakokonsensya akong isipin na halos lahat ng bagay sa kanya alam ko, samantalang sya, nililihiman ko.
"oh ano? Ready ka na? Don't worry makikinig ako, ikaw pa ba?" nakangiting sagot nya.
At ayon nga wala na akong nagawa pa kung di ang magkwento sa kanya, kung ano ang totoo sa pagitan namin ni Zach two years ago at kung anong sitwasyon namin ngayon. At wala syang ibang reaksyon kungdi ang "SHIT."
"Shit. gaga ka talaga! bakit di mo sinabi noon pa? gago talaga yang lalaking yan eh. Shit. Shit." nang gagalaiti nyang sabi sa akin at kulang na lang ay sabunutan ako.
"I'm sorry, I was so scared that time to tell you lalo na sa kanila especially Harvey and Red, baka kung anong gawin nila kay Zach." sabi ko na lang.
"Deym. All this time I thought you were a virgin but heck mas nauna ka pa palang lumandi sa akin."natatawa nyang sabi sa akin. Nang init ang pisngi ko dahil doon.
"E anong nangyayari ngayon? Did you two having sex?" halos mapanganga ako sa tanong nya. Hayuf talaga tong si Alice.
"W-wala no." tanggi ko. Totoo naman kasi, wala. Wala pa. Shit. Naghihintay ako?
"ows? Yun pa? Ang macho kaya ng gagong yun, baka gabi gabi mo ginagahasa ah? Hahaha." walang pakundangang sabi nito.
Puro tawanan at kwentuhan lang ang inatupag naming dalawa sa halos ilang oras at kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko.
"So anong balak mo ngayon?" tanong nya habang nag lalagay ng bra. Bastos talaga tong babaeng to, lumabas ba naman ng banyo ng nakapanty lang? Nasiraan na yata to dahil kay Lee.
"dunno. wala pa kong maisip eh." tinatamad kong sagot.
Hinagisan nya ako ng isang red na dress.
"bilis ikaw naman, para diresto tayo sa bar mamaya. Partey partey y'know."sabi nya. Kinuha ko ang dress na ipinapahiram nya at pumasok ng banyo.
Balak kasi naming manood ng movie tapos ay diretso kami sa bar. Kami lang dalawa dahil busy lahat. No choice kami.
"Hindi ko dala sasakyan ko." sabi ko kay Alice na nag aayos ngayon.

BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...