Vote. Comment
Simula ng magtapat si Zach dalawang linggo na ng nakakaraan ay mas lalong naging masaya ang aming relasyon, though nandun pa din minsan na nagtatalo kami lalo na pagdating sa trabaho. Ayaw nya kasi talaga akong pakilusin. Gusto nya ay sya ang gagawa ng lahat. Yes, I find it sweet pero hindi ko lang talaga mapigilang mainis minsan.
Kagaya ngayon, wala na naman akong magawa kaya pumunta na lang muna ako sa condo nya. Nagpaalam naman ako at saka may spare key ako kaya ayos lang.
Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakapunta.
Pagdating ko pa lang ay agad akong napasimangot. Ang gulo kasi. Tsk. Lalaki talaga.
Ipinatong ko ang aking bag sa upuan at saka nag isip ng magandang ayos ng condo nya.
Itinali ko ang aking buhok pataas at saka kumuha ng gagamiting pang linis.
****
Halos isang oras at kalahati ang ginugol ko sa paglilinis pa lang sala at kusina nya. Wala pa sa kwarto.
Nagpahinga muna ako sandali bago pumasok ng kwarto nya para iyon naman ang linisin.
Gusot gusot ang cover ng kama, halos wala na ding punda ang mga pillows nya.
Papalitan ko na lang ang cover ng kama at mga punda nya. Pati na din ang kurtina.
Subukan lang talaga na makakita ako ng gamit na condom dito talagang ipapakain ko sa kanya. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Eww naman kasi yun. Isasampal ko na lang pala.
Nang matapos kong palitan ang beddings at kung ano ano pa ay nagwalis naman ako dahil maalikabok na.
Napatigil ako ng maalala ang aking cellphone. Patay. Malamang may mga text na iyon at tawag galing kay Zach.
Dali dali kong binitawan ang tambong gamit ko at lumabas para kunin ang cellphone sa bag.
At tama nga ako. 12 missed call at 23 messages. Napakagat labi ako.
Mag tatype pa lang ako ng message ng tumawag na naman sya kaya dali dali ko itong sinagot.
"He-"
[Damn, why are you not answering my texts and calls?] Medyo iritable nitong tanong sa kabilang linya. Napanguso ako kahit na hindi naman nya ako nakikita. Mainit na naman ang ulo.
"Sorry na." naglalambing na sagot ko.
Dinig ko ang buntong hininga nya sa kabilang linya.
[Where are you? Nag lunch ka na ba?] naging malumanay ang boses nya. Napangiti ako.
"Andito sa condo mo naglilinis. Maya maya na ko kakain."
[Tss. Masyadong maraming lilinisin dyan, mapapagod ka. At bakit di ka pa kumakain?] balik na naman sa pagiging iritable ang boses nya.
"kaya ko naman eh, saka wala naman akong ibang gagawin. Wala si mom at dad sa bahay, nasa Singapore nag hohoneymoon." natatawang sagot ko.
"Kumain ka na ba?"
[nope. Katatapos lang ng meeting ko with your brothers.] sabi nya. Ahh. Kaya pala.
"kumain ka na, wag kang magpapagutom." malambing kong sabi. Madalas kasi syang late ng kumain ng lunch dahil sa mga meetings nya.
[yep. You should too.] paalala nya.
"Aryt. Magluluto pa ako. Sige na. Kumain ka na. Byebye." masiglang sabi ko at saka pinatay ang tawag. Haha. Magagalit na naman sya.
BINABASA MO ANG
Slave of love
RomanceHow much would you give when it comes to love? Are you willing to sacrifice your everything just to be with him? He's broken while you're not but you are willing to be broken just to have him. kaya mo ba? Kung ang tanging paraan lang para makuha mo...