18. For you

470 17 6
                                    

"Sweetie you should take a rest."Zach sweetly said while we're still sitting on the couch. Mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya.

"Are you okay now?" tanong nya habang hinahaplos ang aking buhok. Oh God I miss this.

Tumango tango lang ako.

Iniangat nya ang mukha ko paharap sa kanya at saka pinakatitigan.

"You look sleepy already. C'mon let's go to bed." sabi pa nya.

Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa kanyang leeg at hindi na ako nagulat pa ng buhatin nya ako na parang isang bata. Ipinulupot ko na lamang ang aking mga paa sa bewang nya.

Maingat nya akong nilapag sa kama at muling pinagmasdan.

"Maga na ang mata mo." sabi nya habang hinahaplos ng banayad ang pisngi ko.

Napanguso ako.

"E di hindi na ako maganda?" ngumiti sya sa tanong ko.

"sabagay, mas nagagandahan ka na naman yata sa Lexi na yun kaysa sa 'kin." bigla namang nawala ng ngiti nya dahil sa sinabi ko.

"tss. No." sabi nya at humiga sa tabi ko at niyakap ako.

"Totoo naman kunwari ka pa." sabi ko mas lalo naman nyang hinigpitan ang yakap.

"ikaw ang pinakamaganda sa lahat so don't compare yourself from  other girls." seryosong sabi nya. Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin.

"Sus. Bola." sabi ko kahit na ang totoo ay kinikilig ako.

Tumawa lang sya ng mahina.

"That's true." sabi nya habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"Ellise?" tawag nya na sa pangalan ko ng hindi na ako nagsalita.

Napatingin ako sa seryoso nyang mukha.

"Hmmm?"

"How hard it is to love me?" seryosong tanong nya.

Ngumiti lang ako at hindi ako sumagot sa tanong nya.

"Tss. Answer me, I'm serious."

"Inaantok na ako. Bukas na lang." natatawa kong sagot.

"Tsk. Aryt. Goodnight." Gusto kong matawa dahil alam kong gustong gusto nyang malaman pero hindi ko sinagot at hinayaan nya lang.

"Hindi ka naman mahirap mahalin. Ang dali dali nga lang eh, alam mo kung anong mahirap?"

"w-what?"

"Mahirap kang kalimutan." sabi ko.

"Did you tried to forget me?" tanong nya ulit.

"Oo. Ilang beses na." totoong sabi ko. Hindi sya nagsalita at mas lalo akong niyakap ng mahigpit. Tipo ng yakap na parang ayaw na nya akong pakawalan.

"why?" damang dama ko sa boses nya ang hinanakit.

"kasi.. kasi feeling ko that's the right thing to do. That's the best for me."

"Don't do that again." sabi nya.

"ang selfish mo."

"I know 'coz  that's the only way to keep you. I am willing to be more selfish for you, Ellise." sabi nya. Hindi ako makasagot. Sari saring emosyon ang muli ko na namang nararamdaman.

"Let's sleep." sabi nito at sabay pumikit pero ang kamay ay nakahawak pa din sa akin.

Pinagsalikop ko ang aming mga daliri na dahilan ng muli nyang pagmulat.

Slave of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon