Prologue

2.2K 30 6
                                        




Parang gusto kong maiyak habang naririnig ang kantyawan at tawanan nila sa aking harapan. Ganito naman palagi, ako ang umpukan ng asaran dahil ang pinupunto nila ay singit lamang daw ako sa buhay ni Oceane.

Students always bully me because they thought that I'm just Oceane's shadow. Ayon pa nga sa kanila ay kaya raw madalas na mataas ang mga score ko sa exam namin ay dahil kumukopya ako sa bestfriend ko. I was hurt not because it's true but because they talk mean things about me that weren't true at all.

Gusto kong isipin na sana naging kasing talino na lamang ako ng kaibigan ko ngunit naisip ko rin na ayokong ma-pressure. Bukod pa ro'n, hindi naman 'yon totoo dahil nag-aaral naman ako kahit papaano. Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan sa mga maling akala nila.

"Hoy, kayo! Bakit niyo inaaway si Yana? Kung wala naman kayong magandang magawa sa buhay, h'wag kayo mandamay ng nananahimik!"

Biglang sumulpot si Oceane sa aking harapan. Nakasalampak na ako sa malamig na sahig ng eskwelahan at medyo basa na rin dahil binuhusan ako ng tubig kanina ng isa sa mga bully.

We're six graders. Si Oceane lagi ang tagapagtanggol ko kapag lagi akong naaapi. She's always been the warrior while I'm not. She has this intimidating aura that sometimes scares other people while I don't.

Dahil sa mga pangungutya sa akin ng karamihan ay mas lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko. I always cry myself at night. Hindi alam ni Tatay at Nanay ang mga nangyayari sa akin sa school dahil hindi ko naman sinasabi. Ayokong mag-alala sila sa'kin.

"Ayos ka lang ba, Yana? Wala na sila." Tinulungan ako ni Oceane makatayo at pinagpagan ang suot kong palda.

"Ang astig mo, Cean! Akalain mo 'yon? Para silang mga takot na usa noong sumulpot ka!" Natutuwang sinabi ko.

Oceane is one of the people that I admire so much. Hindi ko ide-deny sa sarili ko na talagang nakakamangha ang kaibigan ko.

Bahagya niya akong binatukan habang nakasimangot. Napahawak naman ako sa aking ulo dahil sa hapdi.

"Bruha ka! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na h'wag kang magpapa-api sa ibang tao? Ipaglaban mo naman minsan ang sarili mo, Yana." Panenermon niya sa'kin.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak dahil sa sinabi niya dahilan para makatanggap akong muli ng panibagong batok sa ulo.

"Aray! Nakakarami ka na ng batok, ha!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"E, paano kasi! Ang creepy ng ngiti mo. Naninindig ang balahibo ko!" aniya.

"Ang ganda kaya ng ngiti ko! Tignan mo, o!" Ngumiti pa ako ng mas malawak dahilan para lamutakin niya ang mukha ko. Grabe talaga 'to!

"Ewan ko sa'yo."

Sumabay ako sa kan'yang paglalakad habang lihim na nakangiti. It feel so great being saved by someone. Pero tama si Oceane, kailangan ko rin ipagtanggol ang sarili ko. I can't just depend on her forever.

Years had passed. Lalo na noong dumating ang araw na nakilala ko ang lalaking nagngangalang Adonis Fortalejo. Pinsan ito ni Alon na halata namang may gusto kay Oceane. Sadyang manhid lamang ang kaibigan ko at hindi niya 'yon makita-kita.

Hindi ko maiwasan ang sarili kong magkagusto sa kan'ya. Noong nasa Los Angelito Falls kami at muntik na akong mahulog sa dulo ng talon ay iniligtas niya ako.

I was panting so hard when he pulled me closer in his chest. Hindi ko maipaliwanag ang takot na lumukob sa aking pagkatao nang magkaharap kami ni kamatayan. Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak ng umiyak dahil sa sobrang takot.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon