Adonis being true to his words, he really did treat me. Kahit ayaw kong lumiban sa klase ay pumuslit pa rin kami palabas ng eskwelahan nang hindi napapansin ng guard at ibang guro na walang klase sa mga oras na 'yon.
After what happened earlier, I don't think I can still listen properly to whatever my subject teacher's going to discuss till the class hours ends. It's just so tiring. Na-drain talaga ang enerhiya ko dahil sa nangyari kanina at ayoko nang alalahanin pa 'yon dahil alam kong paulit-ulit lang din akong masasaktan.
Adonis brought me in the park after we grabbed some ice cream and snacks at 7-eleven. Walang tao roon at tanging kaming dalawa lang. The wind is harshly hitting against my skin as I sat down the rusty old swing.
Mukha namang matibay parin ang swing na ito kahit matagal na at medyo kinakalawang pa. Hindi naman siguro ako mahuhulog dito basta't hindi lang ako masyadong gagalaw para hindi mapigtas ang dulo nito.
Adonis sat on the swing next beside me. Ang tanawin namin ay isang malinis na kalsada at sa harapan niyon ay isang malaking establisyemento na ginagawa pa lamang dahil puro hollow blocks palang naman ito at halatang under construction pa.
Silence engulfed the both of us. Though, I'm feeling a little bit uncomfortable so I just decided to eat my ice cream and the chips that I asked him to buy earlier.
"Salamat nga pala sa panlilibre mo..." I broke the defeaning silence between us two. He remained his stare at nowhere.
"It's nothing. I just thought you needed some break after what happened earlier," He said.
Napakagat ako sa aking labi. Naramdaman ko ang bahagyang paninikip ng dibdib ko dahil sa sakit. Bakit niya pa ba ako tinulungan kanina kung pwede naman niya akong iwanan nalang?
"C-Can I ask?" My heart won't stop thumping wildly. Hindi rin ako makatingin sa direksyon niya dahil ramdam ko ang intensidad ng mga titig niya sa'kin ngayon.
"Yeah, sure..."
"Why... Why did you helped me kung pwede namang iwan mo nalang ako roon?"
It took a lot of courage before I could finally bring myself to look at him in the eyes. Mas lalong tumitindi ang mabilis na pagtibok ng puso ko at palakas pa 'yon ng palakas habang nakikipagtitigan ako sa mapupungay niyang mga mata.
He bit his lips as he looked away. "You look fragile and besides you're in need so it's my cue to help you."
"Y-Yun lang? Wala nang iba pang rason?" Pagpupumilit ko. I wanted to hear him say that he saved me because he likes me too. But, I guess that's just way too impossible.
"Yes," He looked at me. "That's the only reason. May iniisip ka pa bang ibang rason bukod doon?"
Agad akong umiling at pinilit ang sarili na ngitian siya. Parang natatakot akong sumugal ng nararamdaman ko. I know that if I confess my feelings to him now, he would definitely reject me face to face. He's not into commitments. Narinig ko na siyang harap-harapan pang sinabi 'yon sa isang babae.
Baka matulad din ako sa kan'ya at nakakatakot 'yon. Ngayon pa nga lang na iniisip ko kung ano nga ba ang magiging sagot ni Adonis ay kinakabahan na agad ako. I could feel my palm and forehead sweating bullets already.
"N-Nothing." I nervously replied.
He remained staring at me kaya naman naiilang ako. Agad ko nang tinapos ang kinakain ko at matapos niyon ay niyaya na siyang umalis sa park dahil alas singko narin ng hapon. Tapos na ang klase panigurado ako.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
