Chapter 14

544 12 0
                                        




Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. I slowly opened my eyes and saw the morning ray of sunlight hitting my face from the slits of curtain that I forgot to tie by a knot.

Napahawak ako sa aking ulo at bahagyang napaigik dahil sa kirot na biglang bumadha. I also feel like about throwing up. I almost forgot that I just attended Mica's birthday party last night. We had a few drinks and had fun before sending me back home.

Dahan-dahan akong tumayo at napatakbo sa banyo para sumuka. Halos kapusin ako ng aking hininga pagkatapos. Parang pinipiga sa sobrang sakit ang ulo ko.

"Damn, hangover..." I mumbled to myself before washing my face and gargle my mouth a water.

Diretso na rin akong naligo at nagbihis. I wore a turquoise turtle neck dress and put on my white coat. Gumamit na rin ako ng blower para patuyuin ang aking buhok at itinali ito pataas. I also put on some light make-up before smiling at the reflection of myself in the mirror.

"Okay, I'm good to go."

Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa vanity mirror at agad na lumabas ng aking kwarto. The couple isn't here— Dein and Enoch. They got married last month and they're out of the country right now so I'm left alone inside this huge mansion with no one but few maids and a security guard.

"Good morning, Miss Yanna!" Bati ni Eloisa na may magandang ngiti sa kan'yang mga labi. Ngumiti ako sa kan'ya at bahagyang tumango.

"Good morning to you too, Eloisa."

Nakita ko rin sila Jana at Manang Berna na naglilinis ng mga muwebles sa mansion. They even greeted me good morning too. Dumiretso ako sa kusina para kumain. Wala pa namang alas otso kaya hindi pa ako male-late sa clinic. Besides, I've got a hold of my time and schedule. It's my own clinic anyway.

It's been six years since Enoch found me lying on the shore trying to survive. He brought me into the hospital and the doctor diagnosed me having a retrograde amnesia where I couldn't remember everything about my past.

So, even if it's so damn hard for me every single day where I couldn't remember or even just a hint of my past, I still live my life. A normal life to be specific. I tried making new memories kahit pa madalas akong bulabugin ng isip ko sa isang lalaking hanggang ngayon ay malabo pa rin ang mukha sa aking memorya.

Sa tuwing pumapasok siya sa isipan ko ay nakakaramdam ako ng matinding sakit sa puso ko pero kahit gano'n ay mas lamang ang pagmamahal at kumportableng pakiramdam na hindi ko maintindihan kung bakit. I've been wanting to remember him so hard to the point that I forced myself to remember my past some time but It only leads me to a severe headache.

I can still remember the first time I experienced my headache and that was the moment when Dein called me Yana. She told me the reason why she chose that name and that's because it's her dead sister's name. Hyannabi is her full name.

Matapos mag-break fast ay nagpaalam na rin ako kay Manang Berna na aalis na para magtungong clinic. I graduated from Senior Highschool and college with flying colors. Kahit walang memorya ay mas pinag-igihan ko ang pag-aaral ko para masuklian ang tulong na ibinibigay sa'kin nila Enoch at Dein kahit pa nga sinabi nilang ayos lang daw 'yon dahil pamilya na rin ang turing nila sa'kin.

But I don't want it that way. I still want to pay them for all the things they did to me. If it wasn't because of them I'm probably dead by now or maybe I'm alive but living in miseries without any hint of my memories.

"Good morning, Ma'am Yanna!" Maligayang bati ni Sariah pagpasok ko sa loob ng clinic. Tumango ako sa kan'ya at binati rin siya pabalik.

"May nagpa-check na ba, Sariah?" tanong ko sa kan'ya habang nilalagay ang bag ko sa aking lamesa. Malaki naman ang clinic ko para sa mga alagang hayop na may injuries at kung ano-ano pa.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon