Chapter 20

574 12 0
                                        



"So, pumapayag ka nga?"

Kasalukuyan kaming kumakain ni Dein sa isang malapit na Café. Maraming tao ang nagdadagsaan ngayon sa labas dahil nga piyesta ngayon sa Barrio San Isidro na dito rin sa West Island.

I chewed my food as I looked outside the glass wall. Nakikinita ko mula rito ang masasayang itsura ng mga tao habang sumasayaw at sine-celebrate ang piyesta. Ganito naman dito palagi sa Barrio San Isidro. They're so bright and cheerful as they celebrate the fiesta together.

May street dance na nagaganap sa labas. Taon-taon itong nagaganap at sa anim na taong nakalipas na dito ako namamalagi ay halos kabisado ko na ang mga ganap para sa pagdiriwang na 'yon.

"I don't know yet. I'm still confused," I replied.

Kinuwento ko kasi sa kan'ya ang pagiging malapit sa'kin ni Adonis na kliyente ko lang naman noon sa clinic ngunit ngayon ay nilalandi na ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang mas gusto ko pa nga ang presensya niya na nasa malapit lang dahil pakiramdam ko ay ligtas ako.

His presence feels like home. I've never felt this way before. Kahit noong natagpuan ako nila Dein at pinatira sa mansion ay hindi ko pa naramdaman na nakauwi na ako. Just by seeing his face brought me this nostalgic feeling of being at home. It's just so comfortable and feels like a safe zone.

"Confused? Yana, ikaw na rin mismo ang nagsabi sa'kin na kapag nand'yan siya sa tabi mo ay unti-unti mong naaalala ang lahat ng nakaraan mo. Why prevent yourself to remember everything?" aniya at sumipsip sa kapeng in-order namin kanina.

I heaved a deep sigh as I looked at nowhere. I can't really understand myself, too. Oo nga at gano'n ang nararamdaman ko pero hindi ko pa rin makalimutan ang narinig ko sa mismong bibig niya noong na-admit ako sa ospital.

I heard everything he have said. He says that he did it on purpose! Ipinakita niya ang mga photo films na 'yon para i-trigger ang alaala ko! Bakit? Bakit niya kailangang gawin 'yon? Can't he wait for me to remember everything in the process? In a natural way? Hindi 'yong pinilit lang para maalala ko ang lahat.

"Pero kasi Dein—"

"Is your heart beating fast and loud when you're with him?" Seryosong tanong niya sa'kin.

Napasinghap ako sa direktang tanong niya sa'kin. "Yes, kind of."

She pursed her lips together. "Mahal mo ba?"

Mahal? Bakit ko naman mamahalin ang isang katulad niya? May asawa kaya 'yon! May anak pa!

Agad akong umiling-iling na tila ba kinilabutan. I could even feel the goosebumps it brought me.

"Of course not! Why would I love someone like him? Pamilyado na 'yon, Dein," I said.

"Pamilyado ba kamo? Nilalandi nga si Doktora e." Humalakhak ito dahilan para mapasimangot ako.

"Dein, I'm serious, okay? I don't love him. Siguro ay wala lang itong nararamdaman ko. Baka nararamdaman ko lang ito kasi sabik na akong maalala ang lahat sa nakaraan ko."

She shrugged. "It's your decision to make, Yana. Basta kapag kailangan mo ng kausap ay nandito naman ako para damayan ka."

I smiled sweetly at her. That's what I love about Dein. She won't push through the topic and she will let me decide. Nand'yan siya para suportahan ako, silang dalawa ni Enoch. They're the best family I've ever had. Kahit pa minsan ay mali ako, they'll not be mad at me.

They'll just tell me that they'd understand me. Sasabihin din nila ang pagkakamali ko at mahinahon akong kakausapin. Hindi sila kailanman nagalit sa akin dahil mahal nila ako at hindi sila ganoong klaseng tao na masyadong mababaw.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon