Chapter 16

548 12 0
                                        



"Pero may naaalala ka na?" Tanong ni Dein mula sa kabilang linya.

I've decided to talk to her about my situation. Sinabi kong simula noong makilala ko ang lalaking nagngangalang Adonis ay nagsimula nang mabulabog ang dating tahimik kong pamumuhay.

I also told her that these past few days, my headache occurs so often. Bumisita narin ako sa pribadong doktor na pinagdalhan sa'kin ni Enoch noong unang makita niya ako sa dalampasigan.

Tinanong lamang ako nito kung ano-ano ang mga nararamdaman ko o kung may naaalala na ba ako pero iling lang ang sinagot ko dahil wala naman talaga. There are few flashbacks but they're blurry. I can't even determine or identify which is which.

But at least there are improvements? It only means that there's still a possibility that I could remember my past.

"Wala pa... But there are blurry images." Bumuntong hininga ako sa naging sagot.

"Then, that's good. Mabuti narin na may blurry images kaysa sa wala talaga! It's a good news!" She exclaimed.

Sumang-ayon narin ako sa kan'yang sinabi. Nagpatuloy ang aming pag-uusap hanggang sa napagpasyahan niya na rin na tapusin 'yon dahil may social gathering pa raw silang pupuntahan ni Enoch sa California. We bid our good-byes and ended the call.

After that, I called my secretary. Sabado ngayon at kasalukuyan akong nakaupo sa teresa ng mansion habang matiim na sumisipsip sa kapeng hawak ko habang pinagmamasdan ang kalawakan ng hardin na puno ng mga bulaklak sa hindi kalayuan.

"Hello?"

"Ma'am Yanna?" She answered, groggily.

I blinked several times. "Did I wake you up?"

I heard a few noise on her background before I heard her panicking voice.

"Naku, Ma'am, hindi naman po! Ano po palang kailangan niyo?"

I bit my lower lip and heaved a deep sigh. Hinayaan kong tumama sa'kin ang marahas na hangin ng umagang 'yon. Malapit lang sa dagat ang mansion ng Dela Merced kaya naman naaamoy ko hanggang dito sa teresa ang amoy ng dagat. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kagustuhan na magtungo sa dagat at maligo.

"Uh... May appointment pa ba si Mr. Fortalejo sa clinic?"

Narinig ko ang matunog niyang pagngisi mula sa kabilang linya.

"Ikaw, Ma'am ha! Nami-miss mo na ba si Doc.?" Panunudyo niya.

I rolled my eyes even though she's not here with me.

Bakit ko naman mami-miss ang isang tulad niya? Sino ba siya? Kliyente ko lang naman 'yon!

I gritted my teeth because of the thoughts that keeps on drifting on my mind. Bakit ko nga ba tinatanong ang sekretarya ka tungkol sa lalaking 'yon? Porket hindi na siya nagparamdam pagkatapos niya ako ayaing lumabas para kumain?

Are you frustrated because you feel like he's dumping you now, Yanna?

Halos kutusan ko ang aking sarili dahil sa mga iniisip na alam kong wala namang katuturan. There's no need for me to think about that guy! He's a havoc that will penetrate my system any moment from now on if I let him in more in my life.

"Nevermind, Sariah. By the way, invited pala ang Hopes Clinic para sa pagbubukas ng panibagong branch ng Creed hospital sa bayan. Pupunta tayo ro'n."

"May event ba, Ma'am?"

"Yes, I just received the invitation earlier. Formal theme ang nakasaad sa imbitasyon at gaganapin sa V-Luna Tower this coming Sunday at exactly 7 o'clock in the evening onwards..."

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon