It was a pleasant morning. Walang pasok pero may proyekto namang ipinapagawa sa Science subject namin. By group iyon at mabuti na lamang ay si Ben, Patrick at Grace ang nakasama namin sa grupo. 
                              Ang aga-aga pero naririnig ko na naman ang malakas na boses ni Oceane. She's like a walking megaphone when it comes to me. An alarm clock rather. Daig niya pa ang tiktilaok ng manok sa umaga kung gisingin niya ako. 
                              "Yana, tumayo ka na d'yan!" Hinila niya ang kumot na nakabalot sa aking katawan. I heaved a deep sigh. 
                              I'm still sleepy. Nagpuyat ako kagabi kasi nga wala namang pasok kinabukasan. I binged-watch a film entitled, "Zoo". Hindi naman nagalit sa'kin si Tatay dahil alam niyang gano'n ang libangan ko kapag gusto kong magpahinga sa nakakapagod na weekdays sa school. 
                              "Oo na, babangon na nga e..." I groaned. 
                              "Siguraduhin mo lang!" aniya at narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko bago tuluyang nawala ang presensya niya. 
                              Inaantok pa talaga ako pero alam kong kailangan ko na talagang bumangon dahil maya-maya pa ay nandito na ang mga ka-grupo namin. Napagdesisyonan kasi namin na dito nalang sa Isla De Verde gagawin ang shooting. Filming ang ipinapagawa ng teacher namin sa Science at nakadepende 'yon sa topic na ibinigay niya sa bawat grupo. 
                              Nag-ayos muna ako ng sarili bago kumuha ng extra-ng damit. Balak din kasi namin ni Oceane na i-tour ang tatlo mamaya dito sa Isla. Maliligo narin kami sa Los Angelito Falls dahil maganda talaga ang talon na 'yon ang kaso nga lang ay delikado ang daan patungo roon. 
                              Dahil nga nakatago ang kinaroroonan niyon at iilan lamang ang may lakas ng loob na puntahan ay hindi iyon na-polusyon. Napanatili ang natural nitong kagandahan dahil walang nagkakalat doon. 
                              Nagpaalam ako kay Tatay at pumayag naman siya. Mamaya pa ay aalis narin naman siya para mamalaot. Kung tutuusin nga ay linggo lang ang pahinga niya mula sa pangingisda dahil ayaw talaga niyang tumigil sa pagtatrabaho. 
                              My father wants to work hard for me. Gusto niya raw kasing ibigay ang lahat ng pangangailangan ko at hindi siya magkulang dahil lang wala na si Nanay. He don't know how much I appreciate his hard works for me but I don't chase after material things. I only want his love for me. Sapat na sa'kin 'yon. Basta kasama ko siya ay masaya na rin ako. 
                              I only want a complete and happy family but I guess that's not how life works. May mga bagay talagang kailangang mawala para makuha mo ang mga bagay na dapat ay para rin sa'yo. There are things that you needed to sacrifice to achieve more. Life is not fair and has never been.
                              Sinalubong namin sila Patrick, Ben at Grace sa pier. Tuwang-tuwa sila dahil ang linis daw ng kapaligiran dito sa Isla. They can't wait to finish our filming project and take a dip on the water. May mga dala rin silang extra-ng pamalit para mamaya pagkatapos naming maligo sa Los Angelito Falls. 
                              This is our last requirement for our Science subject before the fourth quarter ends. Tatlong araw kasi mula ngayon ay periodical exam narin namin at talagang kinakabahan ako na nae-excite din. I can't explain what I feel because it's hard to distinguish at once. 
                              Inuna muna namin ang pagvi-video. Ang mag-e-edit naman niyon ay isa kila Patrick at Ben. They're into computers, photography or any other things that includes technologies. 
                              Magaganda ang kuha ng mga litrato ay bidyo para sa aming proyekto. Nag-picture narin kaming lima sa kung saan-saan dahil masyadong natuwa ang tatlo sa aming Isla. Malaki raw kasi ang pagkakaiba ng Isla De Verde sa Isla Portugal which is true. 
                              Isla Portugal is like an advance place. Halos lahat ng gamit doon ay pinapagana ng teknolohiya hindi katulad dito sa aming Isla na tradisyonal at manu-mano. Ikaw pa mismo ang gagawa ng mga bagay-bagay dahil iilan lang ang teknolohiya na mayroon dito. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
