Bagsak ang mga balikat ko nang mapabaling ang tingin ko kay Adonis na ngayon ay ngiting tagumpay.
This is so unfair! He's playing dirty! Halata namang dinidistract niya ako sa katawan niya at mga pasimpleng pagkagat sa kan'yang mga labi kaya tuluyan na akong nahulog sa tubig!
"What? Don't look at me as if you're going to murder me right now," He laughed. I pouted.
"You're obviously playing dirty!"
Dahil malapit nalang din naman kami sa dalampasigan ay kinuha ko na ang surfing board at hinatak habang naglalakad ako pabalik sa dalampasigan.
Pasalampak akong naupo sa sand beach habang masama parin ang tingin kay Adonis. I can't believe that I just got defeated! I thought I'm already good at surfing but he's way better!
Yes, way better when it comes to distracting the hell out of me!
"I didn't play dirty. Talo ka lang talaga..." Nakangising aniya at pinasadahan ng daliri ang kan'yang basang buhok.
I gulped at the sight and blinked a few times. Tila ba hindi ako makahinga ngayong kaharap ko siya at nawawalan ako ng mga salitang maaaring sabihin. I rolled my eyes at him.
"Bakit ka nga pala nandito? Don't you have any class to attend to?" I averted the topic and bit my lower lip.
Nagkibit-balikat balikat lamang ang huli at matipid na ngumisi sa akin. I can't help but to examine his features again. Bakit ba hindi nakakasawang pagmasdan ang itsura ng isang 'to?
"Don't have a class," He shrugged. Kinuha niya ang surfing board at patayong ibinaon ang dulo niyon sa lupa bago muling bumaling sa akin.
"So, I won... Are you ready for you dare?"
Muli akong napairap. Bahagya rin akong kinabahan dahil ang lawak nang pagkakangisi niya sa akin na tila ba may binabalak na masama. How can I forgot that he did play dirty earlier and now who knows what kind of game he's gonna play?
"Just get straight to the point. A-Ano ang dare ko?" Bahagya pang nangangatal ang mga labi ko sa pagtatanong.
"Hmm... Not that I know of. I can't think about something worth to dare right now. So, you owe me a dare, Little girl..." aniya at nakangising kinuha muli ang surfing board bago nagsimulang maglakad pabalik sa lighthouse.
Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagkakangisi niya sa'kin. A small smile appeared on my lips as I recalled what happened earlier.
We both rocked against the big waves. We talked and he did noticed me!
Ngiting-ngiti akong bumalik sa lighthouse upang isauli ang surfing board na hawak ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit nga magkabilaang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman. Adonis is nowhere to be found already so I concluded that maybe he already went go home after.
Kinabukasan ay pumasok na ako. Gaya ng dati ay sabay pa rin kami ni Oceane mula sa pag-alis sa baryo patungong eskwelahan.
"Ayos ka lang ba, Yana?" Napakurap-kurap ako ng ilang beses matapos marinig ang boses ni Oceane.
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa dulong bahagi ng cafeteria. It's brunch time. Marami ang pumipila sa counter para bumili ng mga pagkain. Halos punuan nga ang cafeteria at maingay din ngunit dahil nasa dulo kami ay parang malayo lang din sa kabihasnan.
"H-Ha? Ayos lang ako 'no! Ano ka ba..." Ngumisi pa ako sa kan'ya kahit pa nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko.
I saw Adonis. May kasama na naman itong mga babae at bakas sa kan'yang itsura ang tuwa habang nakalingkis sa kan'ya ang mga braso ng kasama nitong mga babae.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
