Epilogue

774 13 0
                                    


"Ako? Mai-in-love? Damn, AJ. Asa ka pa!"

Nagpalatak si Alon habang nakaupo sa single couch at abala sa ginagawa niyang research.

"You know, cous, you're not sure. Kapag ikaw nahulog, karma mo na 'yan." He shook his head as if he's very sure that I will fall for someone.

Napailing-iling na lamang ako sa kan'ya at iniwan siya sa sala. I admit that I really am a notorious playboy. Dito pa lamang sa Maynila sa unibersidad na pinapasukan ko ay marami na ang nagkakagusto sa'kin.

I don't care about it though. Wala naman akong balak na pumasok sa isang relasyon. It's not as if I'm preserving myself for someone. It's just that I'm really not into commitments. Masyado lang iyong pahirap sa buhay.

Why would you tie yourself to someone when you can just enjoy yourself being single?

Aminado rin naman akong hindi ako perpektong tao. I have my flaws and I'm willing to embrace them all.

Alon, which is one of my cousins cursed me. Tinawanan ko na lamang siya dahil wala talaga sa bokabularyo ko ang magmahal at mag-settle down sa isang relasyon. Why would I even do that if I can just mingle around with girls?

I don't do sexual intercourse with them. Hanggang make out lang ang nangyayari sa amin ngunit hindi na iyon hihigit pa roon. It's a no strings attached relationship but it won't exceed on make out like kissing each other.

Siguro iniisip nilang hanggang flavor of the day lang ang nakakaya kong gawin dahil kaliwa't kanan ang mga babaeng nakapaligid sa akin. Hindi ko sila masisisi kung gano'n ang tingin nila sa'kin. We have our own traits to deal with.

"AJ, buong maghapon ka nang nakaharap d'yan sa scope mo. Ano bang nakikita mo d'yan? Patingin nga!" Lalapitan ko na sana si Alon ngunit mas mabilis pa sa alas-kwatrong nahatak niya ang scope at kung ano-anong mga gamit niya.

"Damn, no. You're not going to steal my data and specimens!" aniya. Humagalpak ako sa tawa.

"Sana ayos ka lang, cous. You think I'll steal your boring research? Please, spare me from that experiments and trials." I slouched myself on the sofa.

"Why are you here anyway?" He asked while furrowing both of his brows.

"I just got finished dating Pauleen. Ay, Pauleen nga ba? Or Pauline? Paulynn?" I scratched the back of my head in confusion. "Damn, can't remember."

"Leave me alone. Sa sobrang babaero mo baka mahawaan mo pa ako." Masungit na aniya. Tumikwas ang kilay ko habang may nakaguhit na ngisi sa mga labi ko.

"Why? You prefer specimens than girls?"

"Yeah, I hate girls. They're so loud." Umiling siya at nagpatuloy sa kan'yang ginagawa.

"Then, why do you keep on tagging along with Luna?"

"Luna is different, 'Donis. She's an exemption."

I just shrugged and closed my eyes to rest. Nakakapagod din palang takasan ang mga babae minsan. Once they're very attracted to you, they won't leave you alone unless you give them some attention.

Mabilis na natapos ang pasukan noong taong iyon at summer na. Alon and his family decided to go to Isla De Verde to have their own vacation. Bakit ko alam? Syempre, inusisa ko ang pinsan ko.

"Sasama ako." Isang araw ay sinabi ko kay Alon noong magpunta ako sa bahay nila. Madalas kasi akong pumunta rito sa bahay nila dahil wala naman akong magawa sa bahay.

My mother will just scold me for slouching on my room and play some computer games. Aware naman si Mama na may pagka-babaero ako dahil una na niya iyong na-encounter kay Dad. Dad is once a notorious playboy too until she met my mother. They had a four years gap.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon