"Yana, may proyekto tayo mamaya kasama sila Grace, Ben at Patrick, ha?" 
                              Tumango na lamang ako kay Oceane. Umagang-umaga ay nandito na naman siya sa bagay at ginugulo ako. Ganito naman siya palagi at sanay na ako ro'n. Alam niya kasing tulog-mantika akong tao depende nalang kung gigisingin ako. 
                              And it's really important for her to wake me up right now because we still have a project to do together with our group mates. Pupunta kasi ang mga 'yon dito sa Isla De Verde at dito nalang din namin isasagawa ang aming proyekto. 
                              "Hmm..." I replied, groaning. 
                              My eyes are still closed. Naramdaman ko na lamang ang pagkawala ng presensya ni Oceane sa tabi ko kaya hinayaan ko na lamang siya at muling ipinagpatuloy ang naudlot na pagtulog. 
                              "Yana, mag-kuwento ka nga. May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Adonis?" Kuryosonge tanong ni Oceane isang araw habang kumakain kami sa Cafeteria ng school. 
                              Naramdaman ko ang biglaang pag-iinit ng magkabilaan kong pisngi dahil sa sinabi niya. 
                              "W-Wala naman! Bakit mo pala natanong?" I tried to smile at her as I use my fork to get a piece of my food.
                              She looked at me suspiciously. Agad akong kinabahan. Nakakahalata na ba ito na may nararamdaman ako para sa pinsan ni Alon? Mukha kasing nagkakamabutihan na ang bestfriend ko at si Alon.
                              Baka mamaya ay mabanggit niya ito kay Alon at makarating pa kay Adonis! Para akong sinilaban sa aking upuan dahil sa naisip. Hindi pwede 'to. Tama nang sa malayo ko nalang siya pinanonood dahil kuntento naman na ako ro'n. 
                              Ayoko namang umamin dahil alam ko naman na masasaktan lang ako. He's a notorious playboy for pete's sake! Walang-wala ako sa kalingkingan niya. He's so close yet so far. He's a wasted dream of mine.
                              "Wala naman. Napansin ko lang kasi na kapag nasa malapit si Adonis ay bigla kang hindi mapakali tapos namumula ka rin!" 
                              "Ah, hindi naman siguro. Baka nagkakataon lang! Alam mo na, mainit talaga sa Pilipinas 'di ba? Kaya ayon at hindi ako mapakali..." 
                              "Yana, you can fool other people but not me. We're best friends, right? Kaya asahan mong alam ko na ang likaw ng bituka mo. Try harder, bruha." She chuckled. My cheeks burned because of embarrassment and guilty. 
                              "I'm sorry for lying, Cean. Pero nagsasabi naman ako ng totoo na walang namamagitan sa aming dalawa 'no." I rolled my eyes as I continued eating my food. 
                              Tinawanan niya lamang ako at umiling-iling. "Not yet." Makahulugan niya pang sinabi. 
                              I thought she doesn't know anything about my feelings for Adonis but after all, she's right. What are friends are for if we didn't even know what's going on with each other?
                              Gaya nga ng sinabi niya ay alam niya na ang likaw ng bituka ko dahil halos sabay na kaming lumaki na dalawa. Hindi ko akalaing napapansin pala 'yon ni Oceane. 
                              May pagkamanhid din kasi itong kaibigan ko kaya hindi na pumasok sa isip ko na baka may hinala siya sa mga nararamdaman ko. Masyado na siguro akong halata. 
                              "Yana! Yana!"
                              Nagising ako sa isang malakas na pagtawag sa pangalan ko at sinabayan pa 'yon ng marahas na pag-alog sa aking balikat na tila ba kanina pa ako pilit na ginigising. 
                              I slowly opened the lid of my eyes and it instantly darted to Sariah's worried face. 
                              "Sariah?" I asked, groggily. 
                              I saw relief passed by her eyes as soon as I woke up and mentioned her name. Binitawan niya na ang aking balikat at naupo sa visitor's chair ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kan'yang mukha. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
