I'm currently cooking for my lunch dahil day off ngayon ng mga katulong sa mansion. Noong una ay ayaw pa ngang umalis ni Manang Berna dahil alam niyang wala akong kasama rito ngunit pinilit ko talaga ang matanda para naman kahit papaano ay makabisita siya sa kan'yang pamilya sa Pampanga.
I started humming a song as I started mixing every ingredients on a cooking pan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa kusina bago matapos sa pagluluto ng paborito kong kaldereta.
Na-miss ko tuloy bigla ang luto ni Dein na Kaldereta. Her cooking skills are way better than mine. Hobby na kasi talaga niya ang pagluluto kahit noong mga panahon na wala pa ako rito sa mansion at kapag day off din nila Manang Berna ay siya ang nagluluto ng pagkain nila ni Enoch.
I was in the middle of eating my food when my phone violently rang and vibrated at the same time. Kinuha ko 'yon sa island counter at nakita ang pangalan ni Dein sa caller's ID. Agad akong nilukob ng kasabikan at kasiyahan dahil ilang linggo na rin ang nakakalipas simula noong huling beses na tumawag sila para kamustahin ako rito sa mansion.
I immediately answered her call. It's a video call so her face popped up on my screen.
"Dein!" I squealed in sheer bliss.
Natawa ang huli at bahagya pang kumaway sa sa'kin. Hindi ko maiwasang punahin ang kan'yang itsura dahil sa halos mag-i-isang buwan na nilang pagkawala rito ni Enoch sa Pilipinas ay maraming pinagbago ang kan'yang itsura.
Her skin is now golden tan unlike before that it's white as a snow. Halos hindi kasi ito lumalabas sa mansion unless ay may lakad silang dalawa ni Enoch o kaya naman papasok kami sa eskwelahan. Yes, we all studied in the same university. Grumaduate rin kami ng sabay-sabay at isa 'yon sa mga memoryang pinahahalagahan ko.
Ang alaalang nagpapaalala sa'kin na nakamit ko na ang mga pangarap ko dahil sa tindi ng pagsusumikap ko. I've gone through hard times alone but it didn't stopped me from reaching all of my dreams and achieving my goals in life. Those hardships alone even made me stronger and better than my yesterday's version.
"How are you doing there, Yanna? Wala bang kumplikasyon sa clinic mo d'yan?"
Mabilis akong umiling-iling at ngumiti sa camera. As far as I can remember, there's nothing wrong with my clinic. Maayos naman ang trabaho ko at talagang nae-enjoy ko ang pagiging veterinarian ko kahit six months palang ang nakakalipas simula ng maipatayo ko ang sarili kong clinic.
I can still remember every bit of details of my hardship just so I could fulfill my dream of building my own clinic for animals. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga panahong wala akong makapitan kung hindi ang sarili ko at syempre ang mag-asawang Dein and Enoch Dela Merced. They've supported me along the way and never ever think of giving up on me.
Kahit pa nga dumating sa punto na nagkahiwalay silang dalawa noong mga panahong hindi pa sila kasal at engaged palang. I'm torn between them two because they're both my friends. Hindi ko maiwasang hindi masaktan noong naghiwalay sila dahil hindi ko alam kung kanino ako pupunta kaya sa huli ay pinuntahan ko si Dein.
Enoch never mind it though. He was even glad that I made the right decision because according to him, after what happened to the both of them, he still loves Dein. He can't lose her for a lifetime. That's what he'd told me when I asked him what happened.
"Everything's fine and under control, Dein so don't you worry. How 'bout you? Kamusta ang honeymoon niyo ni Enoch?" Ngumisi ako dahilan para pamulahan ng pisngi ang huli.
"Oh, heck! Don't ask me that! Alam mo naman na kahit kasal na kami ay nahihiya pa rin ako..." She said that made me let out a low chuckle.
Hindi nagtagal ay nagpaalam narin kami sa isa't isa at nagsabi rin siyang tatawag nalang ulit dahil malapit narin naman silang umuwi sa bansa. I can't wait to meet them again. It's been awhile and I really do miss those two.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
