Chapter 11

511 11 0
                                        




Tila parang hangin kung lumipas ang panahon. Parang kailan lang ay sabik pa akong tawirin ang susunod na baitang ng taong 'yon. I finally graduated from junior high school.

Tuwang-tuwa si Tatay dahil isa ako sa mga nagkamit ng may mataas na karangalan. Napagdesisyonan ng aming mga magulang na magsagawa ng isang pagsasalo-salo. Sa bahay nila Oceane naganap ang aming munting selebrasyon.

Dumalo ang mga residente sa aming baryo at lahat sila ay may malawak na ngiti sa kanilang mga labi habang kino-congratulate kaming dalawa ni Oceane dahil sa aming pagtatapos. Hindi ko rin naman kasi akalaing sa dami ng napagdaanan ko sa nakaraang mga taon ay may maganda pa rin palang maibubunga ang mga paghihirap kong 'yon.

"Congratulations, Yana!" Bungad na bati sa'kin ni Ate Gemma na isa sa mga residente ng aming baryo. Karga-karga pa nito ang kan'yang bagong panganak na sanggol.

"Salamat, Ate Gemma! Ang cute-cute naman ni Michael!" ani ko at bahagya pang nilaro-laro ang maliliit na kamay ni Michael. Pinkish ang balat nito dahil bagong panganak palang ang bata.

"Oo nga e. Minsan nga gusto ko ng kagatin ang pisngi nito sa sobrang cute!" Nanggigigil na aniya dahilan para matawa ako.

Mabilis na nagpaalam si Ate Gemma pagkatapos no'n. Namataan ko naman si Oceane sa hindi kalayuan na abala rin sa pag-aasikaso ng mga bisita. May pa-banner pa nga sila Tatay kaya hindi ko maiwasang mailang pero hinayaan nalang namin dahil wala naman kaming magagawa.

"Cean!" Tawag ko sa kan'yang atensyon.

Lumingon siya sa gawi ko at kumaway. May sinabi pa muna siya sa kan'yang ina bago ito nagtungo sa kinaroroonan ko.

"Oh? Ba't ngayon ka lang? Kanina pa ako tumutulong doon kina Nanay e," aniya at hinila ako sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko ngunit nagkibit-balikat lamang siya.

"Sa dagat—" Natigil siya sa kan'yang pagsasalita nang magtagal 'yon sa gawing pier.

"Hoy, anong nangyari sa'yo at bakit ka nakatulala?" Kunot ang noong tanong ko sa kan'ya ngunit walang sagot. Kinalabit ko pa nga pero wala talaga at para bang na-zone out ang bruha.

"Alon..." Mahinang bulong niya.

Iniangat ko ang aking paningin at sinundan narin ang linya ng kan'yang paningin at gano'n na lang ang mabilis na pintig ng puso ko sa sobrang kaba. It's been a year since the last time I saw him.

Matapos kasi pumutok ang balita na umalis na sila sa Isla De Verde noong last summer ay wala na akong iba pang balita na narinig tungkol sa kan'ya kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nandito sila ngayon.

I tried so hard to breathe properly even though I'm really having a hard time breathing. It also feels like there's a lump in my throat and I can hardly swallow on my own. Damn his effect on me.

Mas lalo pang nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi lang kasi sila dalawa kundi tatlong naggagandahang mga lalaki! Pinsan din ba nila ang isang ito? Ang gwapo rin e. Saan kaya pinaglihi ang mga ito at parang sa kanila ibinuhos lahat ng kaperpektuhan sa katawan at pagmumukha? Papasa na silang modelo!

Siguro kung makikipag-negotiate ako sa kanilang tatlo at ipapasok sila sa modeling industry tapos ako ang manager tiyak na yayaman agad ako sa kanilang tatlo palang!

Halos sabunutan ko ang aking sarili dahil sa mga iniisip. Bakit ko naman iyon gagawin? At isa pa, nakalimutan mo na bang hindi ka ginusto pabalik ni Adonis? Wala kang pag-asa sa kan'ya, Yana.

Nang makalapit sila sa aming kinaroroonan ay mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Kalmahan mo lang traydor kong puso. I thought I've already moved on but that's what I thought. Ang hirap palang kalimutan ang taong nagparamdam sa'yo ng kakaiba.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon