Chapter 38

538 13 0
                                        



"Tay, babalik po muna ako sa West Island. Uuwi rin naman po ako bukas dito."

Ipinusod ko ang buhok matapos magsuklay. Nakapagbihis narin ako at maagang kumain kanina bago pa magising si Tatay.

"May problema ba roon, 'nak?"


"Wala po. I just need to talk to someone, 'Tay..." I said. Hinarap ko siya at nakitang abala ito sa pag-inom sa kan'yang kape.

He nodded. "Gano'n ba? O, sige. Mag-iingat ka sa byahe."

"Don't worry, 'Tay. Your daughter is a soldier." Ngumisi ako at hinalikan siya sa pisngi bago nagpaalam na aalis na. Nakasalubong ko pa si Aling Pacita sa pintuan.

"May lakad ka, Yana?" May hawak pa itong isang tupperware na sa tingin ko ay napasobrang ulam sa luto niya.

"Opo, Aling Pacita. Pakibantayan muna si Tatay, ha? Bukas pa kasi ang uwi ko e."

"Gano'n ba? Sige, hija. Ako na ang bahala rito. Mag-iingat ka." Ngumiti na lamang ako bago dumiretso ng lakad patungong pier.

The temperature didn't change. Malamig parin ang simoy ng hangin na nagmumula sa hilagang-silangan. Marami na kaagad na mga tao sa dalampasigan at pulos mangingisda't magbe-benta sa bayan ang mga iyon.

Namataan ko ang ama ni Felicity na kasalukuyang inaayos ang kan'yang lambat na gagamitin. Halos magkasing-edad lang ang aking ama at si Mang Berting ngunit dahil na-stroke si Tatay ay hindi na siya makapangingisda.


"Mang Berting! Kamusta po?" Magiliw kong bati at lumapit sa kan'ya. Umangat ang kan'yang tingin sa akin at halos matulala.

Muntik pa itong matumba sa sobrang gulat nang masilayan ako. My brows furrowed when I saw how horrified he is after seeing me.

"Diyos ko! Llana, ikaw ba 'yan? Patay ka na, ah?" Hindi makapaniwalang aniya. Napamaang na lamang ako.

Oo nga pala at hindi pa alam ng taga-baryo na buhay talaga ako. Sabi rin ni Tatay na kamukhang-kamukha ko si Nanay noong mga kabataan pa nito kaya hindi na ako nagtataka na ganito ang asal ni Mang Berting matapos akong makita.

"Mang Berting, ako po si Yana. As in Llantina Floresca Velasco," Ngumiti ako sa kan'ya. Hindi parin naaalis ang gulat sa kan'yang mga ekspresyon.

"Yana? Patay narin 'yon!" He said, surprised. Tumawa ako dahil sa sinabi niya.

"Mang Berting, buhay pa nga po ako. Pwede po bang rentahan ang bangka niyo? Pupunta sana ako sa West Island..."

"Y-Yana, buhay ka nga! Paano nangyari 'yon?" Pang-uusisa pa nito.

"We'll talk about it later, Mang Berting. Kailangan ko na po bumyahe."

Tumango siya at pumayag na magpa-renta ng kan'yang bangka. Mura lang ang rentahan ng mga bangka rito sa Isla De Verde pero dahil alam kong kailangan nila ng pera para sa pang-araw-araw na tustusin ay sinusobrahan ko ang bayad ko.

Some of them will not accept it because they think that it's already too much but I keep on insisting. Hindi ko rin mapigilang makisimpatya sa kanila kapag makikita ko ang galak sa kanilang mga mukha at ang luha dahil para sa kanila ay hanggang doon na lamang ang estado nila sa buhay.

But I doubt that. If we aim higher, it's a dream that we should be determined to achieve. Walang makakapagpa-ahon sa atin mula sa pagkakalugmok kung hindi ang mga sarili natin.

If we wanted to be successful, we must learn how to accept rejection and failure. Your story will go on even after a failure. Failure isn't the ending because it's just the beginning.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon