Chapter 29

467 9 1
                                        

"You're going to work?" Pambungad na tanong sa'kin ni Dein nang makitang bihis na bihis ako.

I'm only wearing a simple white printed shirt and a jagger jeans paired with a white sneakers. Nakasukbit na rin ang sling bag sa aking balikat at hinayaan kong nakalugay ng bahagya ang aking medyo may kahabaang buhok.

I nodded my head. "Yeah? I'll just pay them a visit kaya baka mamayang hapon pa ako makakauwi."

She wiped her lips using a clean napkin after dropping down her utensils.

"Okay, then. Can I ask you for a favor though?" Seryosong aniya.

"Sure. What is it?"

Lumapit ako sa kan'ya at hinintay ang kan'yang balak sabihin. Sinenyasan nito si Jana na lumapit na katatapos lamang maglinis ng mga muwebles sa living room.

"Bakit po, Ma'am?"

"Go to the master's bedroom. There's a brown cabinet there and open its right drawer. You'll see a package there. Get that package and give it to me please."

Tumango si Jana at ginawa ang inuutos ng huli. Hindi nagtagal ay bumalik din ito dala ang isang package na sinasabi ni Dein. It was wrapped in a cream white plastic and there's also a receipt and some info stapled atop of it.

Inabot 'yon ni Dein at inilahad sa akin. Agad namang nangunot ang aking noo.

"What's that?" I asked.

"A package. Nakasulat na r'yan sa papel ang address ng pagdadalhan mo ng package na 'yan. Can you give it to him for me? You see if I could only walk, I'll definitely be the one who'll give that package personally..."

"No, no. It's fine, Dein. I'll surely give this package to whoever owns this address," I replied.

"Thank you so much, Yana."

I kissed her cheeks before at nagpaalam narin na aalis sa mansyon. Agad akong nagtungo sa garahe upang gamitin ang isang sasakyan ni Enoch. He let me borrow his car for awhile since I can't use my car dahil coding ito ngayon.

"Good morning, Ma'am Hyannabi," Bati ni Manong guard. Mukhang bagong salta ito sa mansyon dahil hindi ko siya namumukhaan.

"Magandang umaga rin po, Manong... Just call me Llantina." Nginitian ko siya at minaniubra na ang sasakyan palabas ng garahe.

A smile crept into my lips as I drove the car away from the mansion. The feeling feels nostalgic. Ang makapag-drive ng kotse ay tila bago sa aking pakiramdam ngunit parang alam na alam ko parin naman ang mga dapat gawin.

The last time I drove a car was that night. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng pangyayari sa buhay ko ay 'yon pa ang eksenang pumasok sa isip ko ngayon. It feels odd. I shouldn't think about that night anymore. I'd moved on and I'm finally happy. That's what I thought.

Nang makarating ako sa address na nakasulat sa package ay isa itong high tower condominium. Hindi rin naman ito gano'n kalayo sa Hopes clinic at ang pag-byahe ko mula sa mansyon patungo rito. This is the first time that I've been into this place kaya naman namamangha ako kahit papaano.

I hopped out the car while gripping the package tightly with me. Sa entrada ng building ay may isang gwardiyang nagbabantay. He smiled at me politely as he greeted me a good morning with his natural bright aura.

"Good morning, Ma'am!"

I bowed down my head lightly. "Good morning po." Pumasok na ako sa loob matapos niyon. A counter welcomed me with a lady behind it. She's busy typing on a computer but instantly averted her eyes to me when she felt my presence.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon