Chapter 3

438 9 0
                                        






"Cean, hindi ako papasok ngayon. Nangako kasi ako kay Tatay na sasama ako sa pangingisda niya ngayong araw." Panimula kong sinabi kay Oceane habang kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng kanilang bahay.

"Huh? Bakit 'di mo sinabi sa'kin ng mas maaga? Gusto ko rin sumama!" Sumimangot ito kaya agad ko siyang pinitik sa kan'yang noo.

"May ubo ba 'yang utak mo, ha? Hindi ka papasok para lang samahan ako dahil ginusto kong sumama kay Tatay? Girl, h'wag naman gano'n. Halos hindi na nga tayo mapaghiwalay na dalawa e." Tumawa pa ako dahil sa aking sinabi.

"E, pero—" Agad kong pinutol ang kan'yang mga susunod na sasabihin.

I know Oceane very well. Kung nasaan ako ay susunod din siya. We're like a bum with a tail. And that's not what I want. Gusto kong matutunan ng bestfriend ko na makihalubilo sa ibang tao bukod sa sarili kong pakikisama.

It's the same for me. She wanted me to learn how to fight for myself. She always encourage me and I must do the same with her. That's what we both are. That's how we treat each other as a sisters not by blood but by hearts.

"Wala nang pero-pero, Cean. You're attending class while I'm not, okay? Sabihan mo nalang ako kapag may assignment." Sabi ko sa kan'ya. "Sige na at baka ma-late ka pa." Dugtong ko.

She heaved a deep sigh and hugged me as if I'm not coming back anymore. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano e. But all I can say is I'm touched. I'm so lucky having a bestfriend just like her. I couldn't ask for more.

"Bye, Yana! Ingat sa pangingisda ha." aniya at mabilis na umalis sa aking harapan habang sukbit ang kan'yang backpack patungong pier.

Tinanaw ko lamang siyang naglalakad papalayo sa aking direksyon. Nang mawala siya sa aking paningin ay mabilis na akong bumalik sa aming bahay upang makapaghanda na.

Nakita ko pa si Tatay na inaayos na ang lambat na kan'yang gagamitin mamaya sa pangingisda.

"'Tay, tulungan na po kita d'yan."

Lumapit ako sa kan'ya at tinulungan siya sa hawak niyang lambat. Nakita ko pa ang gulat na reaksyon sa kan'yang mukha matapos akong makita.

"Yana, bakit hindi ka pumasok? Hindi ba't napag-usapan na natin ito?" Nangasim ang timpla ng kan'yang mukha habang nakatingin sa akin.

Nginitian ko lang si Tatay at nag-peace sign pa.

"'Tay, ayos lang po. Hindi naman ako mawawala sa scholarship dahil lang sa isang araw kong pag-absent 'di ba? Tsaka nangako ako sa inyong sasamahan ko kayo ngayon sa pangingisda." Saad ko. "And I don't break promises, 'Tay. Alam niyo po 'yan."

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya matapos marinig ang aking dahilan.

"Minsan tuloy parang pinagsisisihan kong nagmana ka sa katigasan ng ulo ng 'yong ina." aniya at ginulo ng bahagya ang aking buhok na nakapagpangiti sa akin.

"Ako na rito. Mag-ayos ka na at nang makaalis na tayo." aniya kaya mabilis akong nagpaalam sa kan'ya at nagtungo sa aking kuwarto upang makapagpalit ng damit.

Hindi na rin ako naligo dahil napagpasyahan kong magsu-surfing nalang ako mamaya sa fishing site at doon na rin ako maliligo.

Dahil sa naisip ay agad akong nagmadali dahil sa excitement na lumulukob sa aking dibdib. Napakatagal na rin simula noong huling beses na nakapag-surf ako at kasama ko pa noon si Oceane. Siguro ay noong nagtatrabaho pa kami sa Crafts tuwing summer ang huling beses na naganap 'yon.

Hawak ko ang isang bucket na walang laman habang naglalakad kami ni Tatay patungong pier. Nakasalubong pa namin ang kan'yang kasamang mga mangingisda at isa na roon ang ama ni Oceane na si Tito Felicio.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon