Chapter 7

294 10 0
                                    






It's our field trip day. Mabuti at pumayag si Tatay sa kahilingan ko kaya naman alas kwatro pa lamang ng umaga ay inihatid niya na kami ni Oceane sa Isla Portugal.

Ayon sa ibang detalye na sinabi ng aming guro ay sa PCT Gas Station daw kami magkikita-kita dahil nandoon nakahilera ang mga bus na gagamitin para sa araw na ito.

"Wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong ni Tatay sa aming dalawa ni Oceane.

Malamig ang simoy ng hangin dahil alas kwatro pa lamang ng umaga at wala pang bukang liwayway na matatagpuan sa silangang bahagi ng isla. Manipis lang din kasi ang tela ng suot kong jacket dahil ito pa ang pinaglumaang jacket noon ni Nanay bago siya nawala.

I checked my things. Kumpleto naman na ang mga gamit na sa tingin ko ay kakailanganin ko. May telepono ako rito, nga wet wipes and a roll of tissue, snacks at iba pa. Masyadong magastos pero hindi talaga nagpaawat si Tatay dahil ayon sa kan'ya ay gusto niyang maging masaya ako ngayong araw. He only wants to see me happy and enjoy my life.

"Ayos naman po ang lahat, 'Tay..." sagot ko at binalingan si Oceane.

Kahit madilim ay makikinita mo ang bughaw niyang mga mata na mas lalong nagiging prominente dahil sa ilaw sa hindi kalayuang lamp post. Medyo magulo pa ang buhok niya dahil nagmamadali na kaming pumunta rito at hindi na siya nakapagsuklay pa.

"Mag-iingat kayong dalawa roon, ha?" Binalingan ako ni Tatay at nginitian ko lamang siya.

"Grabe ka, 'tay. Kung makapagbilin ka parang hindi na kami uuwi, ah?" Naglalambing na niyakap ko siya sa kan'yang bewang. Narinig ko naman ang tawa ni Oceane.

"Nako, Tito Vito! H'wag kang mag-alala! Kahit naman mawala itong si Yana, may darating para iligtas siya!" Humalakhak pa siyang muli. Napangiwi naman ako.

"Totoo ba 'yon, 'nak? Baka may nanliligaw na sa'yo ha?" Pinanlakihan ako ni Tatay ng kan'yang mata ngunit ngumisi lamang ako at umiling.

Manliligaw? As if naman may magbabalak na manligaw sa akin e hindi naman ako kagandahan. Tsaka isa pa, isang tao lang ang gusto kong manligaw sa akin at 'yon ay si—

"Hi, Llantina!"

Napalingon kami sa direksyon ng taong nagsalita at naningkit ang mga mata ko dahil parang pamilyar ang kan'yang mukha sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita o kung nagkausap na ba kami.

"Ito ba ang manliligaw mo, Yana?" Nilingon ako ni Tatay at nakakunot na ang kan'yang noo. Napangiwi ako.

"Hindi, 'tay! Wala po akong manliligaw..." Kasi may gusto na akong iba.

"Anong pangalan mo, hijo?" Tanong ni Tatay sa lalaki. Malugod naman itong yumuko saglit at banayad na ngumiti habang nakatingin sa aking ama.

"My name is Gabriel Castuello, sir. Gab for short." The guy named Gab looked at me with a wide smile plastered on his face.

"Oh! Ikaw pala 'yong lalaking naabutan kong kausap ni Yana sa soccer field last third quarter?" Usisa pa ni Oceane.

Come to think of it, siya nga 'yon! Bakit nga ba nakalimutan ko? Siguro ay masyado lang akong preoccupied sa mga isipin tungkol kay Adonis at sa ibang bagay kaya naman hindi ko na rin matandaan pa ang kan'yang pangalan ngunit pamilyar naman ang kan'yang mukha.

"Yes, I am."

"Baka nililigawan mo ang anak ko, ha? Bawal pa siya sa mga nobyo-nobyo na 'yan. Mag-aral muna at magtapos sa kolehiyo." Umiiling-iling na ani Tatay bago muling binalik ang kan'yang paningin sa akin.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon