Chapter 22

387 10 0
                                    


"How's your operation?"

Sumimsim ako sa kapeng iniinom ko habang nakatingin kay Adonis na ngayon ay hinuhubad ang suot na puting coat at naupo sa upuan kaharap ko.

Nasa loob kami ngayon ng Café kung saan ako madalas na tumambay at mag-almusal kapag maaga akong umaalis para pumunta ng clinic at kapag day off ng mga katulong sa mansyon.

"Tiring. Ihahatid na kita sa clinic mo pagkatapos nating mag-almusal..."

Agad akong umiling. I know that he stayed awake all night. May inoperahan kasi ito sa ospital kaya ngayon lang kami nakapagkita. He's on duty yesterday night at alam kong pagod din ito mula sa trabaho.

Halata ang pangingitim sa ilalim ng mga mata niya dahil kulang sa tulog ngunit hindi ito nakabawas sa kan'yang appeal. He still looks great and just fine in my eyes. Medyo magulo rin ang buhok nito na madalas niyang pasadahan ng kan'yang mahahabang daliri.

"No. You should rest, Adonis. Pagod ka sa trabaho," I said, firmly.

The corner of his lips lifted as he arched his eyebrows while looking at me. Halatang nagpipigil lamang siya ng isang ngiti habang nakatitig sa'kin ang natural na mapupungay niyang mga mata na nakakapang-akit.

"Are you worried, Doktora?"

Pinanlakihan ko siya ng mata at bahagyang umirap. Ibinaba ko na rin ang kubyertos na hawak dahil naubos ko na ang pancakes na in-order ko.

"Of course not. It's obvious that you're tired. Tumingin ka kaya sa salamin ng makita mo ang ibig kong sabihin!"

"Gwapong pagmumukha ang makikita ko sa salamin panigurado. Yun ba ang gusto mong makita ko, Doktora?" He chuckled.

"You don't have to tell me that. I know that I'm good-looking. Kaya nga nahulog ang loob mo sa'kin 'di ba?" aniya pa.

"Ha! Asa ka pa!" Binato ko sa kan'ya ang table napkin na nadampot ko ngunit iniwasan niya lang naman 'yon kaya bumagsak 'yon sa gilid ng plato niya.

"Grabe ka naman, Doktora. Ang aga-aga sinusungitan mo na naman ako. Parang noong isang araw ay nilalaplap mo pa nga ang mga labi ko—"

Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatayo tsaka umungklo sa lamesa para maabot ang bibig niya at takpan. Wala talang preno ang bibig nito kapag nagsasalita ng kabastusan e!

"Ang bastos mo! Bwisit ka talaga!"

Pilit niyang ibinaba ang mga palad kong nakatakip sa bibig niya. My cheeks burned in embarrassment when I roamed my eyes around the whole Café and saw that some of the customers are already looking at the both of us.

"H'wag ka nang mahiya, Doktora. It's not as if you're going to kiss me and tell, right?" Tumawa ito ng malakas.

"Gago!" Nanggigigil sa inis kong sambit at tinanggal na ang palad kong nakatakip sa kan'yang bibig.

I was about to go back on my sit when he held my hand. His dark and mysterious eyes are now staring back at me. I could feel my stomach fluttering because of the intensity of his stares. Nakakapanghina ng tuhod ang paraan ng kan'yang mga tingin.

"Come here, Yana..." He softly said.

Tila may sariling utak ang mga paa ko at nagtungo sa tabi niya. Agad niyang hinapit ang baywang ko para magkalapit pa kaming dalawa lalo. He buried his head on the spine of my neck and I could feel his hot breathing against my skin.

"Teasing you is really therapeutic for me, Doktora." He let out a deep baritone chuckle. "Nakakabaliw ka, Yana. Ano bang ginagawa mo sa'kin? Doktor ang propesyon ko pero parang natatanga ako kapag ikaw ang kaharap ko. It feels like I don't know how my heart would beat this fucking fast and my mind won't function normally."

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon