Chapter 2

604 6 3
                                        





Mabilis na nagsimula ang pasukan. Hindi katulad ng dati ay wala nang mga estudyante ang nambu-bully sa akin. Malaki naman ang pasasalamat ko ng dahil doon dahil maski ako ay hindi ko na alam kung papaano pa ang gagawin ko kapag nagpatuloy pa 'yon.

I know how hard it is to be the center of shameful situation and the topic of painful words. Pero ayaw ko namang dumating sa puntong malaman pa 'yon ni Tatay at mapasugod dito sa eskwelahan.

It's not worth his time. Mas mahalaga pa kung wala siyang alam sa mga dinanas ko rito dahil ayoko nang pahirapan pa siya. He had suffered enough when my mother died and we both grieve for it.

Dahil unang araw ng pasukan ay lunes 'yon at may flag ceremony kaya naman agad na kaming pumila sa hanay ng aming baitang.

Kasama rin namin dito ang mga Senior Highschool na nakapila sa kabilang dulo ng school ground. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanilang hanay at agad akong napalabi nang masilayan si Adonis.

Oo, nalaman ko na ang kan'yang pangalan. Sa sobrang chismosa ko syempre ay hindi ko palalagpasin ang pag-alam kung ano nga ba ang kan'yang pangalan. He's my crush and I want to know everything about him!

Nagsimula ang flag ceremony ngunit tulala lamang ako sa pwesto ng mga Senior Highschool or to be specifically honest ay kay Adonis lang talaga nakadiretso ang aking mga mata.

Hindi ko maiwasan ang munting ngiti na gumuhit sa mga labi ko nang masilayan siyang tumatawa habang nasa likod niya ang kan'yang pinsan na walang ekspresyon ang itsura ngunit makikita mong masungit talaga hindi gaya ni Adonis na maliwanag ang aura at loko-loko.

Nanatili ang titig ko sa kan'ya at pinanonood siya habang sumasayaw at tumatawa habang sinusundan ang mentor sa harapan ng stage para sa exercise tuwing lunes.

Napangisi ako at napailing-iling dahil sa nasaksihan. He looks stupid, alright. But I can't deny to myself that he look so adorable and handsome as well.

Matapos ang flag ceremony ay nagtungo na kami sa aming designaturang silid base na rin sa mga schedule namin para sa taong ito.

Magkatabi kami ni Oceane ng upuan. Alam ko naman kasing hindi siya mahilig makipaglapit sa ibang tao. Or more to say, she's aloof. Mas gugustuhin niya pang mag-isa kung wala ako at tumulong kina Tito Felicio at Tita Olivia o 'di kaya'y magtrabaho sa Crafts tuwing summer.

Nang dumating ang aming guro ay nakinig akong mabuti. Ito ang unang araw ng pasukan at ayokong magpakatamad-tamad lalo pa't pinangangalagaan ko ang scholarship ko. I need to maintain it so that I could receive a yearly allowance from the government of Isla Portugal.

Malaking tulong na rin 'yon para sa amin ni Tatay. To be honest, hindi niya ako hinahayaang ibigay 'yon sa kan'ya para sa aming pang araw-araw na gastusin kaya naman pinili ko na lamang na ipunin ang mga 'yon sa aking alkansya para magamit sa takdang panahon kapag kakailanganin na namin.

Matapos ang discussion ay nagbigay pa ng maikling pagsusulit ang aming guro. Unang araw ng klase tapos pagsusulit agad? Hays. Ang lupit ng guro namin ngayon.

Matapos 'yon ay lumabas na kami ni Oceane dahil saktong oras na para sa lunch. Agad kaming nagtungo sa cafeteria ng Isla Portugal. Parehas pa kami ni Oceane na namangha sa lugar dahil nagmukhang elegante ang itsura nito.

May mga carvings pa sa pader ng cafeteria at may chandelier sa itaas na dim lang naman ang radiate ng ilaw. May mga bamboo vases at bamboo sticks na may mga pares ng dahon sa mga ito na nakapalibot din sa buong lugar sa bawat sulok ng cafeteria.

Naghanap kami ni Oceane ng mauupuan at nang makakita ay agad kaming naupo at tinanong ko siya kung anong gusto niyang kainin.

"Baka mahal naman ang mga benta rito, Yana?" Ngumuso siya at napatitig sa counter. Napailing-iling ako sa kan'ya.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon