Chapter 8

371 10 0
                                        





Something has changed. Nararamdaman ko 'yon. Hindi ko lang talaga matukoy kung ano ba ang pagbabago na 'yon.

Katatapos lamang ng lunch at sinabihan ko si Oceane na mauna na sa classroom dahil pupunta pa akong comfort room. Pagkapasok ko sa loob ay tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Medyo nagla-lighten na ang balat ko from tan to fair dahil hindi na ako gaanong nagbababad sa dagat at initan hindi kagaya noong summer last year dahil halos walang araw talaga na hindi ako nagbababad sa dagat at init ng araw.

Naghilamos muna ako at inabot ang tissue roll sa hindi kalayuan. Pinunasan ko ang aking mukha at nag-pulbo na rin. I even used a liptint dahil sobrang putla talaga ng mga labi ko na para bang tinakasan ako ng dugo.

"There, you look presentable now..." I murmured while looking at the reflection of myself in the mirror.

Ibinalik ko ang pulbo at liptint sa bulsa ng suot kong palda nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng halos 5'6 ang tangkad at may makapal na make-up sa mukha. Nakalugay din ang buhok nitong tuwid na tuwid at para bang inayusan din siya ng isang magaling na stylist.

Kahit siguro dry strands of hair ay wala kang makikinita dahil talagang bagsak ang tuwid nitong buhok. Nagsusumigaw din siya ng karangyaan sa buhay. Iniwas ko nalang ang aking paningin at naghahanda na sanang lumabas nang harangan niya ang daraanan ko.

"Ikaw 'yon, hindi ba?" Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa kan'ya at nagtatakang tinapunan ng tingin. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Anong ako?"

Tumawa siya sa ng pagak na tila ba nanunuya. Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang gusto niyang iparating sa'kin?

"H'wag ka nang magmaang-maangan! You look innocent but deep inside you're a slut!" Bahagya niya pang tinulak ang balikat ko kaya nauntog ako sa pintuan ng isa sa mga cubicle.

Lihim akong napangiwi dahil sa ginawa niya. By the looks of it, she's angry with me. Ano bang kasalanan ang ginawa ko sa kan'ya? Wala naman akong matandaan na kilala ko siya o kahit man lang na-encounter siya bukod ngayon.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Mariin kong sinabi sa kan'ya.

"Fuck you, bitch! Akin si Gabriel e! Tapos bigla nalang siyang nanlamig at iniwasan ako dahil kuno sa isang Grade 9 na may pangalang Llantina!" Sigaw niya.

Gabriel? Ito ba ang lalaking nagpahiram sa akin ng jacket? Yung lalaking nagmagandang loob lang tapos ngayon ay ini-issue ako ng babaeng ito?

"You're talking nonsense. Wala akong kinalaman kung bakit nga ba nanlamig sa'yo ang boyfriend mo o kung ano pa man. Maybe, you lost your heat that's why—" I was cut off when she slapped me hard on my cheeks.

The fuck?

"Ayos lang sana kung si Gab pero pati si Adonis na hindi naman bagay sa'yo ay pinupuntirya mo! Ano bang gayuma ang binigay mo sa kanila at ikaw ang bukambibig ha!" Lumapit siya sa akin at nanggigigil na sinabunutan ako.

"Bwisit ka! Mang-aagaw! Tandaan mo ang lugar mo! Pangit ka! Hindi ka maganda at kahit kailan ay hinding-hindi mo sila makukuha!"

"Tama na! Let go of my hair!" I shrieked. Nilabanan ko rin siya at ilang beses pa akong nakalmot ng mahahaba niyang mga kuko dahil sa higpit ng sabunot ko sa kan'yang tuwid at bagsak na buhok.

"You bitch! Bitawan mo 'ko! Ang mahal-mahal ng pagpapa-salon ko tapos sisirain mo lang ang ayos ko? You'll pay for this!" Sigaw niya habang sinasabunutan ako. Dahil may katangkaran siya ay agad niya akong nadaganan at tumama ang likod ko sa malamig na tiles ng comfort room.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon