Chapter 5

344 10 0
                                    






They say, if you truly love a person you're willing to accept all of his flaws and imperfections. Kahit ano pa man 'yon. Siguro nga ay tama sila sa kasabihang 'yan dahil kahit na masakit para sa akin ang nakita ko noong nakaraang linggo ay hindi niyon nalamatan ang nararamdaman ko para kay Adonis.

Bagkus ay mas lalo pa ngang lumalim ang nararamdaman ko para sa kan'ya. I always watch him from afar thinking that maybe if our worlds will collide, he'll acknowledge my feelings for him. That he's not going to hurt my feelings again.

Pero alam kong suntok sa buwan ang mga iniisip ko ngayon. Kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers sa soccer field. May iilan lamang na estudyante ang nasa field habang naglalaro ng soccer.

Ngayon kasi ang release ng grades namin para sa third quarter kaya naman half day lang ang aming klase at alas dose na ng tanghali ngayon.

I was busy watching the soccer players when I felt someone's presence beside me. I thought it's Oceane so I didn't even bother to look at her and just spoke directly.

"Kamusta, Cean? Kasama pa rin ba tayo sa honor list?" Walang kiyemeng tanong ko kahit hindi siya nililingon.

Napagpasyahan kasi namin na si Tita Olivia na lamang ang titingin din sa aking grado dahil abala si Tatay sa pangingisda. Gano'n naman lagi ang aming ginagawa at wala naman akong reklamo tungkol doon.

"Hi."

Napalingon ako sa nagsalita at napaawang ang aking bibig dahil hindi pala 'yon si Oceane kundi hindi ko kilalang tao pero gwapo!

Naupo ito sa tabi ko kaya agad naman akong natahimik. Hindi ko siya kilala kaya ano naman ang maaari kong sabihin? At isa pa, mukhang Senior High Student din ang isang ito. Matangkad din siya na tila ba six footer at mukhang may lahi rin.

"You are Llantina, right?" aniya.

Gusto ko siyang sapakin sa pagbigkas niya ng buong pangalan ko pero pinigilan ko ang aking sarili at nanatili ang pagiging tahimik ko sa kan'yang tabi.

"I didn't know that you're a fan of soccer, Llantina." Dagdag niya pa.

Napabaling ang aking paningin sa kan'ya at pinaningkitan siya ng mga mata dahilan para matawa siya at makita ko ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Kaunti nalang ay iisipin ko nang commercial model siya ng toothpaste o hindi kaya ay isang model na bumisita lang dito sa aming eskwelahan.

"Ah, hindi naman sa gano'n. May hinihintay lang talaga ako." Tipid kong sinabi.

Nagulat ako dahil inilahad niya ang kan'yang mga palad sa aking harapan at ngumiti muli.

"I'm Gabriel Castuello. Gab for short. Nice to meet you, Llantina."

Napalabi ako habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad sa akin. Nag-aalinlangan man ay tinanggap ko na rin 'yon at bahagyang ngumiti pabalik.

"You're cute when you're smiling." He let out a low chuckle dahilan para maramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilaan kong pisngi.

"S-Salamat. Pero h'wag naman puro pambobola." Tumikhim ako at umiwas ng tingin mula sa kan'ya.

"No, what I'm saying is true. You're also beautiful and to be honest..." He trailed off that made my eyebrow arched up.

"What?"

"Uh..." Napakamot pa ito sa kan'yang batok na tila ba nahihiyang umamin dahil namumula ang buong mukha niya na umabot pa sa kan'yang leeg.

Ano ba ang gusto niyang sabihin?

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon