I was silently eating my own food while sitting on the bench inside the wide and spacious botanical garden. Napagpasyahan ko kasing h'wag nalang kumain sa Cafeteria dahil masyadong maraming tao tsaka maingay din.
I wanted to be alone and away from the crowd. Mas gusto kong i-enjoy ang sarili kong pag-iisa dahil nakakapagod din palang maging friendly paminsan-minsan.
Hindi ko nga alam kung paanong hanggang ngayon ay friendly pa rin ako kahit pa nga paulit-ulit na akong pinahiya at tinukso ng mga tao noon. I don't know, I just can't really bring myself to just throw away my friendly attribute just because they trumpled on my dignity.
"Sabi ko na nga ba at dito kita makikita e!" Busangot na ani Oceane na medyo pawisan pa.
"Bakit? Hinanap mo ba 'ko?" Parang tangang tanong ko at ibinaba ang kubyertos na hawak bago siya tuluyang binalingan ng tingin.
"Oo, wala ka sa classroom at cafeteria e. Acquaintance party na natin bukas..." Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naupo sa tabi ko. She seems problematic.
Tinakpan ko na ang bento box na nakapatong sa kandungan ko at ibinalik sa tote bag na dala ko. Tatay made this lunch for me kaya naman hindi na ako nagpunta sa Cafeteria para bumili ng pagkain dahil magsasayang lang din naman ako ng pera. Ang mamahal kaya ng mga pagkain doon! Parang ginto ang presyo!
"E, bakit mukhang problemado ka?"
"You know how I hate crowd and to interact with other people too much, Yana. Ni-required ng adviser natin na dapat dumalo ang lahat sa acquaintance party dahil dagdag experience din daw 'yon sa highschool life!"
Tuluyan na akong natawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi talaga mahilig sa pagtitipon itong si Oceane. Kahit nga noong first year at second year kami sa highschool ay ako lamang ang laging dumadalo sa mga gan'yan dahil ayaw niya sumama.
She's too aloof and doesn't know how to interact with people that much. I mean, yes, she does talk with our other classmates pero 'yong tipong makikipagdaldalan siya? Nope. She won't do that. Ako nga lang ang nakakausap niyan e.
"Totoo naman kasi ang sinabi ng adviser natin, Cean. You know, we should enjoy our highschool life while we still can. Sabi kasi ni Tatay na kapag nasa kolehiyo ka na raw ay mas mahihirapan ka sa schedules mo. Mas madalas mong hihilingin na sana bumalik ka nalang sa highschool days mo dahil mas carefree at masaya..." I told her.
"Wala naman akong pakialam d'yan, Yana. Kilala mo naman ako 'di ba? Mas gugustuhin kong magbasa nalang ng libro at ibuhos lahat ng oras ko sa pag-aaral." Umirap siya sa akin.
"Then, let's do some changes. You're going to attend the acquaintance party with me tommorow night, okay?" Inakbayan ko siya at bahagya pang nagtaas-baba ng kilay ngunit parang naasar lang siya lalo dahil sa ginawa ko.
"Ano ba ang mga ginagawa d'yan? Pwede naman sigurong umupo lang ako sa isang tabi tapos puro pagkain nalang ang lantakan ko 'di ba?" aniya pa.
I winked at her and smiled widely. I would do everything I can for her to enjoy our acquaintance party tomorrow night. Kahit pakiusapan ko pa si Alon na lapitan ang best friend ko para lang may kasama ito ay gagawin ko.
"You'll see, Cean." I said, smirking. "Halika na, malapit na rin ang next subject natin."
Hinila ko na siya patayo roon at sabay na kaming umalis mula sa loob ng botanical garden. Minsan kasi kapag hindi kami magkasama ni Oceane ay sa botanical garden talaga ako tumatambay at ako pa nga ang nagdidilig ng mga halaman doon.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
