Alas singko pa lamang ng hapon ay nag-aayos na ako. Sinabihan ko narin si Sariah kanina na sabay na kaming magtutungo sa V-Luna Tower para sa event na gaganapin. It's a celebration for the newly opened branch of Creed Hospital here in West Island.
Hindi ko halos mawari kung gaano na kayaman ang may-ari ng Creed Hospital. Balita ko pa nga ay nasa Isla De Verde ang main branch ng hospital na 'yon at ngayon ay may branch narin sila sa Antipolo, Rizal at sa Cavite. Iyon lang ang alam ko kaya hindi ko pa alam kung may iba pa bang branch sa iba't ibang lugar.
Bumaba na ako ng hagdan para kumain. Maaga kong pinahanda kila Eloisa ang hapunan para maaga rin akong kakain at pagkatapos ay maliligo na lamang at magbibihis para diretso nalang ang alis ko patungo sa apartment ni Sariah.
Kaye told us that she'll follow right after. Mukhang ihahatid naman kasi ito ng kan'yang boyfriend sa mismong venue ng party kaya hindi na 'yon naging problema pa.
Mabilis lamang akong kumain at nagsipilyo bago nagtungo na muli sa aking kwarto upang maligo at makapagbihis. I looked at myself in the mirror. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pait sa kaibuturan ng aking puso dahil muling bumalik sa aking ala-ala ang nakita ko kahapon.
He didn't appeared after dating me then I'll eventually see him in the mall with another woman? Wow, just wow.
E, ano naman ang pakialam ko kung gano'n nga? Hindi ko pa naman siya gano'n kakilala para masaktan at mainis ako ng ganito!
Inis akong naupo sa tapat ng vanity mirror at kinalma ang aking sarili at nagsimulang make-up-an ang sariling mukha. Natutunan kong mag-make-up ng sarili dahil mahilig si Dein sa mga ganitong bagay. She taught me how to each of it until I could finally do it on my own.
Light make-up lang ang ginawa ko para naman hindi ako magmukhang payaso mamaya sa event. After that, I blow-dry my hair and tied it in a half. Pinakawalan ko rin ang ilang hibla ng aking buhok sa harapan at isinampay sa balikat ang kalahating buhok na nakalugay. When I'm done, I searched for my pouch and wore my bloody red heels that paired ng dress for tonight.
"Look hot as hell, Yanna." I mused out loud and chuckled at my own compliment.
Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan si Eloisa na nagpupunas ng muwebles at ang ibang katulong na naglilinis ng mga painting at portrait na nakasabit sa pader ng mansion. Wala si Manang dahil baka abala ito sa loob ng kusina o kaya naman nagpapahinga sa kan'yang sariling kuwarto.
"Ma'am Yanna!" Eloisa greeted. I nodded and smiled at her.
"Ang sexy niyo, Ma'am! Hindi na ako magtataka kung maraming mahuhumaling sa inyo mamaya sa party..." She said.
I chuckled at her remark. "Dapat lang 'no. Sayang naman ang effort ko kung sakali," I joked.
Nagpaalam na rin ako sa kanila na aalis na muna at hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik dahil wala naman sinabi sa imbitasyon kung anong oras matatapos ang event.
I started the engine of my car and maneuvered it outside the mansion. Pinaharurot ko rin ito patungo sa apartment ni Sariah ng makalabas na ng tuluyan.
When I arrived at her apartment, she's already waiting on the doorstep of her apartment. She's so beautiful wearing a beige cream dress. It suits her very well.
"Kanina ka pa ba?" I asked.
Umiling ito at bahagyang ngumiti sa akin. "Hindi naman po, Ma'am Yanna..."
Sumakay siya sa passenger seat at pinaandar ko narin ang kotse paalis. Mukhang tulog na si Sandy dahil nakapatay narin ang ilaw sa kanilang apartment ng makarating ako.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)
RomanceWill her heart remember what's long forgotten? Fortalejo Cousins 2 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
