Chapter 13

530 14 0
                                        



"Hyannabi Cortes?"

Napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki at bahagya pang nagkakamot ng kan'yang batok. Marahil ay nahihiya ito dahil pulang-pula pa ang kan'yang mukha.

"Yes? What's the matter?" I fixed my glasses as I looked at him.

"Ipinapabigay nga pala ng tropa ko. Gusto ka niyang lapitan pero nahihiya siya e," He chuckled.

My eyes landed on the box of chocolate that he's holding. Inabot ko iyon at bahagyang ngumiti sa kan'ya.

"Pakisabi maraming salamat..." I love sweets. Ewan ko ba kung bakit kahit na mahilig ako sa matatamis ay hindi naman ako nagkaroon ng diabetes at nanatili parin akong bitter!

"Sige. Alis na 'ko." Paalam niya at mabilis na nawala sa aking paningin.

I shrugged my shoulder and keep the box of chocolate inside my bag. I'm already in first year of college and it's been two years already. Medyo mahirap pala ang kolehiyo pero nakakaya ko naman basta ba at nag-aaral akong mabuti. I can't still remember anything from my past but there's a blurred face of a man that always appeared before my mind.

I don't know who is he but everytime he appears on my mind, all I know is my heart won't stop beating so fast and loud. Hindi ko man siya pisikal na nakikita ay malakas naman ang epekto niya sa'kin.

Nakita ko si Dein na naglalakad sa hallway habang bitbit ang kan'yang hindi mabilang na mga libro. She's engaged with Enoch Dela Merced at a young age. Hindi ko na inalam ang buong detalye dahil ayoko naman maging chismosa.

"Dein!" Tawag ko sa atensyon niya at bahagya pa akong kumaway nang bumaling siya sa direksyon ko.

Her face instantly lift up the moment she saw me. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa isang wooden bench at pinag-aaralan ang isang subject ko dahil may quiz kami mamaya.

"Bakit nakabusangot ka?" Tanong ko at tinanggal na ang salamin na suot. I keep it inside its designated container before inserting it to my bag.

"E, kasi naman si Enoch!"

"Nag-away ba kayo?" Mas lalo siyang bumusangot dahil sa tanong ko. I smiled a little. Parang aso't pusa talaga ang dalawa dahil laging nag-aasaran. Kaya bagay na bagay sila e.

"Hindi, pero..." She paused. "Gusto niya kasing um-attend tayo ng party!"

Natawa ako. "Party lang pala, e. Kaninong party ba 'yan at saan daw gaganapin?"

Nasanay na akong makihalubilo ulit dahil lagi nila akong sinasama sa mga social gatherings. Katulad nalang kapag magba-bar hopping and such. Halos hindi ko na nga rin mabilang kung ilang kaibigan na ba ang nalikom ko dahil sa pagdala-dala nila sa'kin sa kung saan e.

"Birthday ni Alon Fortalejo. Sa Isla De Verde gaganapin three days from now." sagot niya.

Sa sobrang laki ng koneksyon ni Enoch ay hindi na talaga nakakapagtaka na may kaibigan siya na nakatira sa kabilang Isla. It's a several minutes travel from here. Hindi pa ako nakakapunta roon pero madalas ko naman itong naririnig sa iba't ibang tao.

"Edi attend tayo. Sasama ba siya?"

"Yes, he'll come. But before that, we're going to get our clothes at Polar first," She said.

Pumayag na lamang ako. Polar is a well-known boutique here in Barrio San Isidro, West Island. Doon kami madalas magpagawa ni Dein ng mga susuotin namin kapag may okasyon or event na pupuntahan. Gaya na lamang ng sinabi niya na may pupuntahan kuno kaming birthday party at ang venue pa ay sa Isla De Verde.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon