Chapter 1

1.2K 12 2
                                        





Katatapos ko lamang maligo nang makita ko mula sa siwang ng aming kurtina ang kumpulan ng iilang residente sa baryo na tila ba may pinagkakaguluhan.

"Anong meron?" Pabulong na tanong ko sa aking sarili at mabilis na tinapos ang aking pagsusuklay bago nagmamadaling lumabas ng aming bahay.

Nakasalubong ko pa si Rosemarie na anak ng isa sa residente ng aming baryo at pinamumulahan ng pisngi. Agad ko siyang nilapitan at agad na siniko sa tagiliran.

"Rosemarie! Anong meron at bakit nagkukumpulan ang mga tao sa gitna tsaka bakit namumula ang pisngi mo?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kan'ya.

"Narinig mo na bang may bagong lipat daw dito sa baryo, Yana? Ang gwapo!" Patiling aniya.

At dahil may pagka-chismosa ako ay agad na nanlaki ang mga mata ko at namilog ang bibig sa gulat.

"Talaga? Samahan mo nga ako't tignan natin!" Nagmamadali kong anyaya sa kan'ya.

Wala si Oceane rito at nasa pier yata kaya naman hindi ko siya maanyayahan. Siguro ay pagkatapos kong sumilip tsaka ko nalang siya pupuntahan.

"Excuse me po! Padaan kami!" Pilit kong hinahawi ang daan at napahinto lamang nang tumambad sa akin ang dalawang mestizong lalaki na tunay ngang gwapo gaya ng sinabi ni Rosemarie!

Napaawang ang mga labi ko sa pinaghalong gulat at kilig. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako. Oo na! Malandi na kung malandi! Wala namang masama sa pagkakaroon ng crush 'di ba? Crush at first sight.

Humagikgik ako sa mga bagay na umiikot sa aking isipan. Kalaunan ay umalis din ako sa hanay ng kumpulan at agad na nagtungo sa pier para kausapin si Oceane na natagpuan ko namang inaayos ang pagkakatali ng bangka ng kan'yang ama.

"Oceane!"

Mabilis itong lumapit sa akin matapos maitali ang bangka. Nakakunot ang noo nito habang tinititigan ako ng may pagtataka.

Sa sobrang excitement at pagiging madaldal ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili na ikuwento sa kan'ya ang mga nalaman ko kani-kanina lamang. 

"Hindi naman kami mapapakain ng itsura, Yana." aniya na napag-isipan ko rin. Sabagay at tama siya.

Ipinagkibit balikat ko na lamang 'yon at sabay na kaming pumanhik pabalik sa baryo. May iilan pa ring kumpulan na halatang mga usisero at usisera ngunit hindi na namin 'yon pinagtuonan pa ng pansin.

Naunang umuwi si Oceane at naiwan ako roon sa kumpulan ngunit makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin ako roon at nagtungo sa dalampasigan. Wala rito ngayon si Tatay dahil nasa Isla Portugal siya para sa kan'yang extra job.

Bukod kasi sa pangingisda ay marunong din si Tatay sa pagmemekaniko kaya naman kapag hindi abala sa pangingisda ay nasa Isla Portugal ito at nag-aayos ng mga sirang parte ng sasakyan sa junk shop.

Minsan ay isinasama niya ako ngunit madalas ay iniiwan niya na lamang ako sa bahay para may bantay lalo pa't alam niyang bihira lang ako humiwalay kay Oceane.

Oceane's my best friend ever since then. She's the one who comforted me when my mother died when I was younger. I almost lose my hope but she encouraged me to live and to continue.

Tsaka napagtanto ko rin na nandito pa si Tatay at kahit wala na si Nanay ay kakayanin naming mabuhay basta ba at magkasama kaming dalawa. Mas naging close ako kay Tatay dahil nga kaming dalawa na lamang ang magkasama sa buhay.

Malapit na rin ang pasukan at ngayon ay nasa ikatlong baitang na kami ng highschool ni Oceane. Kailangan ko na rin pala sabihin si Tatay tungkol doon para maayos na ang mga dokumento ko.

Catch Me When I Fall (Isla De Verde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon